"I love you," bulong niya sa akin pagkatapos. Pareho kaming patagilid at magkaharap na nakahiga sa sofa. I gave him a peck on his lips again. "I love you too." Nagkatinginan kami. "So... is this the part where we bid our goodbyes?" saad ko. Mabilis na nangunot ang noo niya. "At sinong may sabing hahayaan kitang umalis? Now that I marked you mine, hindi na kita hahayaang mawala, Kelsi." Niyakap niya ako ng mahigpit. Isiniksik ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko inaasahang mauuwi sa ganito ang pagpunta ko rito. Hindi talaga ako karapat-dapat na tularan. Umahon ako mula sa pagsiksik sa dibdib niyang kahit pawisan kanina ay sobrang bango pa rin. "Nagugutom at nauuhaw ako," paglalambing ko. "Wait. Ikukuha kita ng tubig," aniya at akmang tatayo. "Hindi na. Ako na, naiihi rin ak

