ALDRIN TORRES "Aldrin! 'Yong baby." Mahigpit ang hawak ko sa kamay ni Eve habang sakay siya ng stretcher at itinatakbo namin papasok ng emergency room. Duguan siya at patuloy ang agos ng mga luha niya. "He'll be okay. Magiging safe ang anak natin. Please, Eve. Make him safe." Kuyom ang mga kamao ko nang mahinto ako sa pagtakbo at tanawin na lang mula rito si Eve na pinapasok sa loob ng emergency room. "Who did this?" Nanginginig at may diin sa bawat salita na sambit ko. Kabuwanan na ngayon ni Eve at nangyari pa 'to sa kan'ya. Hindi ko mapapatawad ang taong nagdala sa mag ina ko sa bingit ng kamatayan. Halos hindi ako nakatulog at buong gabi akong nasa labas ng emergency room. Kabado at takot na takot ako. Lalo pa nang papirmahin nila ako ng waiver na nagsasaad kung sino ang pipiliin

