FLORENCE MORENO POINT OF VIEW -- Bahagya kong naikunot ang noo ko nang nakuha ng isang babae mula sa malayo ang atensyon ko. Nakaupo siya sa field at nagpapasilong sa malaking puno habang kumakain ng junk foods kasama ang mga kaibigan niya. Palabas na ako ng Architecture Department building at papunta na sana sa Basketball Court upang puntahan ang kaibigan kong si Diego. Pero nahinto ako sa paglalakad nang nakita ko siya. She's wearing sneakers, short shorts and a white shirt with her red hair on a messy bun. She's simple. But she still got my attention. She looks familiar. "Rain!" Nilingon ko si Sidney sa harapan ko and saw how beautiful she is compared to the girl I am looking at earlier. I smiled. Nothing beats my Queen. She automatically clung onto my arms while wildly smiling a

