"What are you talking about? Haven't you know? I'm Tanya Lim," depensa ni Tanya pero kita ko ang panginginig sa labi niya. "And who's boyfriend you're talking? Aldrin is my fiancee. Hindi mo rin alam?" I pouted my lips. "I'm sorry, hindi ko alam. Sa pagkakaalam ko kasi ako 'yong mahal niya at hindi ikaw. At sa pagkakaalam ko rin, ako 'yong may dugong Lim at hindi ikaw." "Kelsi, anong sinasabi mong---" "Diego! Kanina ka pang singit nang singit, naaalibadbaran na ako sa 'yo," agad na putol ni Ate Sidney kay kuya Diego. "What's happening here?" There you go. Umayos ako ng tayo at agad na inihanda ang napakaganda at matamis kong ngiti bago ko nilingon si Sonya. Pero mabilis ding nawala ang ngiting iyon nang mamataan ko agad sa palibot nila ni Daddy ang parents nina Ate Sidney, Ulan at ma

