"Kuya... Hindi ko sinasadya, saka wala kaming relasyon ni Sir Aldrin," "But you kissed! How will you going to explain the kiss?" "H-he kissed me. Biglaan 'yon. H-hindi..." "He initiated the kiss? Hindi mo ginusto? Answer me! Are you telling the truth?" "Oo." Naiwan ang mga tingin ko sa ere kung nasaan nakapwesto ang cellphone ni Kuya Diego kanina. "See? Hindi ginusto ng kapatid ko ang nangyaring halikan. Ang ibig sabihin lang no'n ay wala siyang gusto sa professor niya. So, kung mayroon mang maaaring managot dito ay hindi si Kelsi 'yon." Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin habang nakakunot ang aking noo. Mali ang pagkakaintindi ni Kuya Diego. Wala akong narinig na reklamo mula sa kabilang panig kaya lumingon ako sa harapan namin kung saan sila nakaupo. Bahagyang nanlaki ang aking

