"Sigaw na." Napalingon ako kay Ulan nang narinig ko ang sinabi niya. Muli na naman niya akong dinala sa beach na paborito niyang puntahan. "Bakit mo 'ko dinala dito?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at saka siya naupo sa buhangin. Walang pakialam kung madumihan man siya o hindi. "Bakit? Ayaw mo sa beach? Saan mo ba gusto... sa Condo?" natatawang patanong niyang tugon. Naubo ako at agad na tumikhim. Naupo ako sa tabi niya at tahimik na pinanood ang bawat paghampas ng alon. "Bakit hindi ka pa umiiyak?" Napatingin ako sa kanya. Nanatili akong nakatitig sa seryoso niyang mukha. Kunot ang kanyang noo habang nakatitig sa malayong parte ng dagat. "Bakit ka nandito?" tanong ko, hindi inaalis ang paningin sa kanya. Unti-unti siyang lumingon sa akin. Nang nagtama ang aming mga mata ay hindi k

