"Kanina ka pa?" Mula sa cellphone ko'y nag angat ako ng tingin kay Sidney nang marinig ko siya. Tipid akong ngumiti sa kanya. Naupo naman siya sa upuang kaharap ko. "Kadarating ko lang din." "Bakit gusto mong makipagkita?" She asked bluntly. Halatang ayaw niyang pahabain ang pag-uusap namin. "Anong gusto mong inumin?" balik tanong ko, hindi sinasagot ang tanong niya. "I have so much to do, Kelsi. So please, direct me to the point," tila nauubusan ng pasensya na aniya. Maldita talaga! I bit my lower lip. "May plano na ba kayo ni Sir Tairon?" tanong ko. Nagpang-abot ang kilay niya. "Plano?" "Tungkol sa akin? I mean, Tanya..." Nahihirapan akong pagsama-samahin ang mga salita upang mabuo ang tanong ko kaya nahinto ako. Her right eyebrow rose up. "Bakit? Gusto mo na bang lumantad ang p

