Pinili kong maglakad pauwi since malapit lang naman ang cafe na pinagkitaan namin ni Sidney sa village namin. Malapit na ako sa gate ng village namin nang mahinto ako mula sa paglalakad. Nagpang-abot ang aming mga tingin ni Aldrin. Tila natuod ako sa kintatayuan at nanatili lamang akong nakatingin sa kanya, gano'n din siya sa akin. Napalunok ako. Matapos no'ng araw na 'yon ay hindi na kami muling nagkita. Ni hindi niya ako sinubukang tawagan o i-text man lang. Para bang matapos no'ng araw na 'yon ay nawala na lang siyang bigla na parang bula. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang nakakuyom ang mga kamao. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin. "Kelsi..." mahinang aniya nang nakalapit siya sa akin. Namamaos ang kanyang boses na parang pagod na pagod. Hindi ako sumagot. Wala akong

