CHAPTER 14 ELSIE OWEN Isang linggo na aming hindi nag-uusap ni Abcd. Pareho kaming nag-iiwasan. Palagi siyang nago-overtime sa opisina, at kapag umuuwi siya either nasa kwarto na ako o tulog na ako. Hindi rin kami nagkakasabay kumain. Pagbreakfast, ipinagluluto ako ni Abcd. At para naman sa lunch at dinner ko, nag-iiwan ng pera si Abcd na sapat lang sa pambili ko ng pagkain. Hindi na ako makatiis na ganito kami. Kaming dalawa na nga lang dito sa bahay tapos mag-iiwasan pa kami. Wala akong mabwisit. Wala akong makausap! Namimiss ko na siya. Namimis ko na si Potpot. Ilang araw na kaming hindi nagkikita. Narinig kong pumarada ang sasakyan nito. Agad akong lumabas sa kwarto ko at abilis na bumaba ng hagdan. Naabutan ko itong sinasarado ang pinto. Huminto ako sa isang baitang ng hagdanan. T

