CHAPTER 15 ELSIE OWEN Nagising ako na wala na si Abcd sa tabi ko. Ang tanging yakap ko nalang ay ang unang ginami niya. Naaamoy ko pa rin ang shampoo niya sa unan. Niyakap ko iyon ng mahigpit bago bumangon. Wala na rin yung maleta sa lapag. Pagbukas ko ng cabinet naroon na yung mga damit ko. Ito na siguro ang nag-abala dahil alam niyang late na ako matutulog. Naligo at nagbihis muna ako bago bumaba ng hagdan. Narinig kong may kumalasing sa may kusina. Mukhang pinagluluto niya ako ng umagahan. "ABCD!" Tawag ko habang palapit sa may kusina. Biglang may sumilip na matandang babae sa kusina. May hawak itong basket at may mga laman na damit. "Ay, ma'am, wala na po si Sir." Sabi nito. Sa tingin ko, ito yung pinadala ng agency para maglinis ng bahay namin. "Pero may iniwan po siya na note sa

