CHAPTER 17 ELSIE OWEN Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao, may mga ilan ring nagtatanong kung bakit ako umiiyak pero hindi ko ito sinasagot. Bagkus ay kinuha ko ang shades ko at inilagay iyon sa mata ko. Parang dam na bumuhos ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilang humikbi. Nasa may lobby na ako nang maramdaman kong malapit nang bumigay ang tuhod ko. Mabilis akong umupo sa isang single sitter na sofa. Ipinatong ko ang mga siko sa tuhod ko. Sinuklay ko ang buhok ko, mas lalo akong napaiyak nang makita ang paper bag na naglalaman ng mga pinaghirapan kong lutuin kay Abcd. Anong nangyari? Hindi ko maintindihan. Bakit sila nanghahalikan? Kilala na ba nila ang isa't-isa noon pa man? Letse! Bakit bestfriend ko pa! Ang sakit, puta! Minsan na nga lang ako magmahal, na

