EPILOGUE ELSIE OWEN May kumatok sa bintana ng kotse ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka ito nilingon. Nakasilip roon ang isang pulis. Patay. "Miss.. Pwede ka bang lumabas?" Binuksan ko yung pinto ng kotse ko at lumabas. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Nakaharang ang motor ng pulis sa harap ng sasakyan ko. Ito yung kaninang sumulpot sa gilid ko kaya ako napapreno. "Ahh.. Officer." Seryoso ang mukha nito. "Overspeeding ka, Miss. Akin na ang lisensiya mo." "Ahh.. Ehh.." Kinakabahan kong sabi. Pumasok ako sa loob at binuklat ang bag ko. Ilang beses kong chineck ang bawat bulsa nito pero naiwan ko ang wallet ko. Lumabas ulit ako. Putik! Napakamalas ko ngayong araw! "Na-Naiwan ko po, Officer." Huminga ito ng malalim. "Sa presinto ka nalang magpaliwanag, Miss. Sumama ka sa amin."
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


