CHAPTER 1
All right reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including printing, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the Author.
This is work of fiction. Name,Characters, Businesses, Place,Events and incident or either the products of the Author's imagination or used in fictitious manners. Any resemblance to actual persons, Living or dead, or actually events is purely coincidental.
A/N: THIS IS FILIPINO LANGUAGE STORY
__________________________________________________________
Hi, FlyGs/Readers! i want to clarify things. All Diseases and anything that related in every character's illness, diseases and syndromes are pure fictitious and if there has in real life it's just a coincidence. All Information that are written here are pure made by Fiction and has nothing to do with real life.
Enjoy reading and Thank u. Keep safe everyone
__________________________
RARE HEART SERIES #1
Rhivo Greij Roizon is one of the Campus Heartthrob, He is one of the Varsity Player and Double time MVP. He is every girl's dream but He only like on girl and That is Vianne Feigh Llezach, The Girl in thick glass because of Her condition.
Rhivo accept Vianne with all her flaws and imperfections and Their love for each other build by acceptance not until the incident happened, they tear them apart and it is the reason why Rhivo became Colorblind
Copyright by Gelywings
All rights Reserved
_______________________
CHAPTER 1
Ginintuang Araw sa hapong ito. Mararadaman ang kakaibang init na pinaghalong lamig ng simoy ng hangin. Masasabi mong Ber months na nga.
Itinaas ko at inayos sa ilong ang aking salamin na promoprotekta sa aking paningin. Masakit pa sa mata ang araw.
Plinano ko talagang mag pahuli sa klase para hindi na gaanong maaraw ngunit ngayong oras na ito masasabi kong pinag sisihan kong hindi pa pinatagal ang pag-aantay sa oras bago tumungo dito.
I sighed.
"Miss President."
Nilinga ko ito.
"Sabay na tayo." Si Louisse. Bahagyang hinawi niya ang kaniyang buhok.
Tumango naman ako bilang sang-ayon.
Nag sabay na nga kami sa pag pasok.
After we entered the hallway, huminto ako sa paghakbang. Pinindot ko ang button ng payong upang magsara ito nang kusa. Nilingon ko ulit si Louisse na nakatitig lang sa akin nang masara ko ang aking payong.
"Alam mo, Vianne? Ang cool mo kaninang naglalakad. artistahin ka at dagdag pa 'yang sunglasses mo," Puri sa akin ni Louisse at inayos ang bilang na bangs niya.
Nginitian ko ulit siya at hindi alam ang sasabihin. Alam ng lahat ang kondisyon ko at hindi ko naman tinatago.
"Her condition is very rare, sort of Marie Antoinette Syndrome but we can say more than that. It also an Allergy. Her hair is Allergic to sun." Kahit pa naririnig ko ang Doctor ay hindi ko halos maintindihan ang sinasabi niya.
Nilingon ko si Mama na may namumuong luha na sa mga mata. Is it bad? Bakit kailangan kong mag pa-check up? Ayos lang naman ang lahat sa akin.
"Hindi ko pa masasabi ang lahat pero sa ngayon wala naman akong nakikitang problema at makakaapekto ng kalusugan niya." Muli kong hinarap ang Doktora. Medyo magaan na ang mga bigkas niya. She smiled at me.
"How about her eyes, Doc?"
"It's like Albinism but i'm not sure so you need to talk to her ophthalmologist."
"Meron bang shampoo or something na mailalagay sa buhok niya para maprotektahan ang buhok niya sa araw? Can i use sunscreen on her hair?" Mama asked once again.
Umiling si Doktora.
"Pag-aaralan pa namin ang kondisyon niya, Sa ngayon ay mabuting huwag mo muna siyang palabasin ng bahay."
Tumango si Mama. Hindi ko alam ang mararamdaman.
"Hindi agad ito nakita nuong infant pa siya. Unti-unti kasi itong lumitaw nang sumapit ang kaniyang apat na taon."
Buong Childhood ko ay na sa loob lang ng bahay at Home school sa buong Elementary dahil iyon nga ang payo ng Doctor.
Nang tumungtong ako ng Highschool ay hindi na kaya pa ni Mama ang Home school at talagang ayaw na niya nang tanggapin pa ang ibinibigay ni Papa na share sa kaniya pang tustos sa akin. Tuluyan nga silang nag hiwalay at sa Abroad na nanirahan si Papa.
Nag Simula akong gumamit ng Payong araw-araw nuong high school at hanggang ngayon dahil wala pa din silang nadidiskubring lunas sa sakit ko.
Ilang beses na akong nag pakalbo dahil sa tuwing na aarawan ay madami ang nalalagas na buhok. Hindi naman masakit at tanging paglalagas lang naman ang problema ko. Ang mata ko lang din talaga ang may diperensya dahil minsan ay malikot ito kahit hindi ko naman intensyon.
"Alam mo naman ang kondisyon ko 'di ba? Kaya nag sa-sunglass ako." bahagya akong tumawa at dinaan na lang sa biro ang lahat.
The bell rang. Labasan na ng mga high school samantalang kaming mga college na pang night class ay papasok pa lang.
May kalahating oras pa bago mag simula ang klase at talagang maaga pa ako sa lagay na ito kahit pa intensyon ko ngang mag pa-late.
I looked at Louisse. Hinawakan niya ang kamay ko at inayos ang shoulder bag niya sa balikat ng isa pa nitong kamay.
"Tara sa Cafeteria? Dinner na tayo."
Kumunot ang noo ko dahil ang aga pa at gusto niya nang mag dinner. siguro ay hindi siya kumain kanina nang afternoon snack? Nagdi-dinner kasi ako pag tapos na ng klase na mga alas diyes ng gabi.
Oras pa lang ng kilaban ngayon.
"S-sige," I answered. Pinasok ko na sa bag ang payong ko.
Nag tungo kami sa Cafeteria.
Nahinto ako nang nakita si Rhivo na nakatayo sa gilid ng pinto. Nakasandal ito sa pader habang ang kamay ay na sa bulsa at ang isang kamay ay hawak ang Bag niya.
Gulo-gulo at basa pa ang buhok nito.
"Hi! Vianne. Louisse," Bati niya sa amin na hanggang tenga ang ngiti.
Nilingon ko si Louisse na kinikilig para sa 'kin. Alam ng lahat na kinukulit ako nitong si Rhivo.
Hindi ko na sineseryoso dahil alam ko din namang hindi siya seryoso duon pero minsan kasi ang mga iilang ka schoolmate ay iba ang na sa isip at nilalagyan ng malalim na malisya.
Saglit na nag hari ang katahimikan. Umiwas ako ng tingin at ginala sa kabuoan ng loob ng Cafeteria. Walang gaanong estudyante.
"Anong ginagawa mo dito, Rhivo?" Tanong ni Louisse. Bumaling muna si Rhivo sa akin bago sinagot ang tanong ni Louisse.
"Inaantay si Riej," sagot nito kay Louisse.
si Louisse naman ay mas lalong namula dahil sa pag kakaalam ko ay crush niya si Rodriej na kaibigan nitong si Rhivo.
"Mauna na kami. Nagugutom na 'tong si Louisse," singit ko at gusto nang iwasan si Rhivo.
Ngumiti siya ulit sa 'kin. Nailang naman ako. Pakiramdam ko kasi ay talagang nagpapa-cute siya sa tuwing nakakausap at lumalapit sa akin.
I didn't wait for Rhivo to speak. Hinila ko na si Louisse sa may counter para um-order na.
Nang Naka-order na kami ni Louisse. Nag labas naman na ako ng wallet para bayaran ang lahat.
"Ako na ang mag babayad, ako naman nagyaya, Vianne," Pigil niya sa kamay kong may hawak ng wallet. Ngumiti siya sa akin at ang perang hawak niya na ang inabot niya. Hindi na ako nakipagtalo. babawi na lang ako sa kaniya next time.
Pinasok ko ulit ang wallet ko at kinuha na ang tray ko.
Naupo kami sa bahagyang sulok na parte. Nag kwentuhan lang kami ni Louisse at pinoproblema ang paparating naming Thesis. Saglit lang kami kumain at nag kayayaan kami na tumambay muna dahil may kaunting oras pa.
Nag desisyon na kaming tumungo na nga sa Klase at naubos na ang kaunting oras namin.
Nahinto ako sa pinto at nilabas ang payong dahil natapat sa b****a ng pinto ang sinag ng araw.
Bubuksan ko na sana ang payong ko nang may tumabig sa 'kin na mabilis ang pag takbo at nahulog ko ang payong ko.
Mabilis ang pag hablot ko sana sa payong pero na sipa pa ito nu'ng sumunod na tumakbo. sumigaw pa ito sa hinahabol niyang na unang nakatabig sa siko ko.
Sa tapat nitong Cafeteria ang Open-field at bahagyang malayo ang pag kakasipa sa payong ko.
Binalikan ako ni Louisse na naunang nag lakad. Nag aalalang tinignan ako.
"Okay ka lang, Vianne?" tanong pa niya sa 'kin.
Bagsak ang balikat kong tinanaw ang payong ko sa may damuhan.
Labag sa kalooban kong tumango na lang bilang sagot sa tanong niya kahit ang totoo ay hindi naman talaga Okay.
She looked at my Umbrella too and smiled at me.
"Ako na ang kukuha," presinta niya.
Mabilis akong umiling at masyado na akong nakakaabala kay Louisse.
"Miss Alfonzo," pareho naming nilingon si Sir Tosiano.
"Sir, Magandang hapon po," sabay naming bati.
Ngumiti at tumango naman si Sir Tosiano. Muli pang bumaling kay Louisse.
"Ikaw na lang ang hindi pa nakakapag-exam sa inyo. in-excuse na kita kay Khala. Tara sa office ko para maihabol ko ang exam mo," anito kay Louisse na medyo kalmado pero seryoso ang boses.
"Sige po, susunod po ako. kukunin ko lang po ang payong—" i cutted Louisse and shook my head to protest.
"Ako na ang kukuha. sige na. mauna kana." nginitian ko pa siya para siguraduhin na okay lang sa akin. Imbes na sumang-ayon ay kumunot pa ang noo niya.
"Pero..." nag-aalala at nag dadalawang-isip ang Mata niyang tumitig sa 'kin. Tila tinitimbang pa ang ekspresyon ng Mukha ko.
Tumango ako at ngumiting muli. Nilingon ko pa ang Si Sir Tosiano na nag-aantay sa aming dalawa.
"Bilisan niyo at mali-late din kayo sa klase."
"Sige na. Mauna ka na," tumango pa ako at pag pupumilit na okay nga lang ako.
Wala namang nagawa si Louisse kaya sumunod nga siya kay Sir Tosiano.
I sighed.
Tinignan ko ulit sa malayo ang payong ko.
Medyo papalubog na ang araw at kulay kahel na ang langit pero may sinag pa din ng papalubog na araw.
Sinuot kong muli ang sunglass ko.
Nag buntong hininga at hinanda ko ang sarili sa pag takbo.
Dalawang hakbang pa atras ang ginawa ko.
"One...two," i counted.
"Three," tumakbo na ako nang mabilis.
Ramdam ko ang init ng araw sa aking buhok. Sa ganitong oras nagbabago na ang kulay ng buhok ko.
Pinulot ko agad ang payong ko. before i could open my umbrella . . . dumilim na sa kinatatayuan ko.
Inangat ko ang ulo at paningin sa itaas. Instead na langit ang makita ko. Ang payong ang sumalubong sa akin. I look at whoever holding the umbrella. It's Rhivo "The-Play-Boy" Roizon.
Ngumiti si Rhivo sa akin. Nasisiguro kong dahil sa araw kung bakit nag-iinit ang pisngi ko at naramdaman ang kapirasong pawis sa noo ko.
Ngayon lang ako ganto kalapit sa kaniya at ngayon ko lang din nakita nang ganito kalapit ang mukha niya.
Sa malayo pa lang ay gwapo na. pang artistahin pala talaga ang mukha niya. He have these pointed nose, Thick eyebrows and Medium brown eyes.
Nag-iwas ako ng tingin. Mabuti na lang dahil sobrang tinted ng sunglass ko at 'di niya nakita ang titig ko.
"Thanks," tipid kong pasasalamat at humakbang pa atras para makalayo sa kaniya.
Luminga-linga ako sa paligid at tinignan kung sino man ang nakakita sa pag bago ng kulay ng buhok ko. Mabuti naman walang nakakita at tanging si Rhivo nga lang. Hindi pa din talaga ako sanay ilantad sa nakararami.
Bubuksan ko na sana ang payong ko nang Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako.
"Wag mo nang buksan," He said and awkwardly smiled again.
"Sabay na tayong pumasok," sa kabila ng kalmado niyang boses ay naghihiyawan naman ang kaloob-looban ko.
Dahan-dahan akong tumango.
Minsan lang naman.
Nauna na akong nag lakad dahil alam kong inaantay niya lang ang hakbang ko bago siya sumunod na pinapayungan ako.
Tahimik naming tinungo ang classroom at sakto pa nga na kaklase ko siya sa additional university course program na 'to.
Nang na sa tapat na ng Pinto. Tinupi na ni Rhivo ang payong niya at ako naman ay tinanggal na ang sunglass na suot.
Nagpakawala ako ng hininga at lumuwag ang pakiramdam ko.
"Ang ganda ng red hair mo, bagay sayo," naramdaman ko pa ang muling pagkabigla ng puso ko. Ramdam ko ang braso niyang dumikit sa likod ko.
Tumango lang ako at hindi nag pahalata na medyo naapektuhan. Tuluyan nga akong humakbang at pumasok. Hindi ko na pinakinggan pa ang pambobola niya.
Wala pa si Louisse. Wala pa din naman si Miss Dimakasal at iilan pa lang kami.
Naupo na ako sa tabi ni Priezma. Ramdam ko ang pag sunod ng mata niya sa akin.
"Saan ka galing, Vianne?" She asked. Hindi ko inabala pang sumagot dahil nag madali na ako sa pag upo at pag ayos ng gamit ko.
Nilingon ni Priezma si Rhivo na kakaupo lang din sa upuan niya.
"Ba't mag kasabay kayo? Pinapayagan mo nang manligaw?" Bahagyang pa akong siniko ni Priezma. May ngiti ito sa labi na halatang kinikilig din para sa akin.
Talagang big deal sa kanila na nakikita kami ni Rhivo na magkasama
Umiling lang ako at nilabas na ang libro na binabasa ko. Mag babasa na lang muna ako habang hindi pa nag sisimula ang klase.
G E L Y W I N G S S T O R I E S