Inayos ni Ate Devina ang gagawing burol ni Dylan. Umuwi kami ni Vivora para mag palit ng suot dahil naka-gown pa kami na galing sa birthday ni Rhivo. Nalungkot si Rix nang mabalitaang patay na nga si Dylan, Kasama namin sila ni Enleez na inaantay ang bangkay ni Dylan para ayusin sa burol. "Ang sabi niya kay Ate Devina ibigay daw sayo ang puso." sabi ko kay Rix at tinapik siya sa Balikat. Tahimik lang siyang tumango sa'kin. "Pinag babayaran niya na ang utang niya" wala sa sariling sabi ni Rix at nakatanaw sa malayo. Hindi ko alam kung anong utang ang tinutukoy niya, hindi ko din naman mabasa ang ekspresyon niya. "You should try to forgive him, hindi maganda ang nag tatanim ng galit." bulong ni Enleez kay Rix. Hindi naman nag Salita si Rix kaya hinayaan na namin. Dumating si Ate Devina

