KABANATA 8

1597 Words
Secretary George Hidalgo. A 52 year old man. He really looks young para sa edad nya. At base sa nabasa ko sa isa sa mga articles ay mag-30 years na siya naninilbihan sa pamilyang Villamor. Napaiwas ako ng magtama ang mga tingin namin sa side mirror ng kotse. Narinig ko ang kunwaring pag-ubo niya. “I'm sorry again, for what the CEO did to you this past days. I hope someday you'll forgive him.” “No, it's okay Sir. You don't need to apologize. Uhm, I guess I understand why he's acting weird,” sagot ko at mabilis na lamang tumingin sa labas at pinagmasdan ang dinadaanan namin. “He's not acting weird. He's just doing what he wants to. You better not to lie on him. Things got worst about the issues you made before—” Mabilis ko siyang binigyan ng hindi makapaniwalang tingin kaya hindi niya naituloy pa ang sasabihin. “S-sir, hindi ko rin ginusto ang nangyari. And it's been 4 or 5 years, why's everyone can't move on?!” Agad naman akong napahinto dahil sa sinabi ko at inayos ang tono ng aking pananalita. “I'm s-sorry," paghingi ko ng paumanhin. “I just wanted to do my job and I badly need it.” “Hindi ka na dapat nagpakita pa. If the Chairman of the company will recognize you then we're sorry.” Nakaramdam ako ng pangamba sa sinabi nito. The Chairman? Ang ama kaya ni Mr. Ace Villamor ang tinutukoy niya. Maybe it's really my fault. Kung tinuloy kong tanggihan ang project proposal sa kumpanya nila, hindi sana ganito ang mangyayari. Ang tanong kung papalampasin ko ba ang pagkakataon na pwedeng kong makilala ng husto ang CEO ng kanilang kumpanya alang-alang sa mga anak ko. Ayokong sayangin ang pagkakataon na ito dahil gusto kong maisakatuparan ang isa sa mga hiling ng mga anak ko na makilala nila ang kanilang ama. Hindi ko naman agad inasahan na makilala nila ako, e sa tagal na ng panahon ang nakalipas. But, at this point I only wanted to focus on my job at the same time para malaman kong p'wede ko bang ipagkatiwala kay Ace ang mga anak niya. “I can help you, if you want. We can transfer you from other company,” Secretary Hidalgo suggest. I was stunned to what he said. Siguro matutuwa ako kung bago pa ako dumating dito ay nagawan niya ng paraan para malipat agad ako. Sa dami ng nalaman ko mas na-cu-curios ako sa mga nangyayari. At mas naging interesado akong makilala kung sino ba talaga si Ace Villamor at kung bakit niya ako pinapahanap noon. At kung ano ang plano niya, at kung parte lang ba don ang paghalik niya sa akin ng ilang beses. At mas lalo na kung bakit siya umiiyak no'ng gabing nakilala ko siya. *** Maaga akong pumasok sa trabaho nga'yon para nga sa gaganaping meeting. Tumulong ako sa preparation ng marketing team nila dahil ang sabi ni Secretary Hidalgo ay parte na rin ako sa team na iyon. Muli akong bumalik sa office ko para mag-ayos. Nasa akin parin ang mga branded na formal dress na pinapili niya rin kahapon. Naguluhan ako kung isusuot pa ito. “Ang ganda, gosh bilisan niyo na magpalit na kayo ma'am!” maligayang sambit ni Mei. Nakapag-ayos na nga ako. Naglagay lang ako ng light make-up at light pink na lipstick. “Goodluck,” salubong ni Mei sa akin at inabot ang folder na kakailanganin ko. “Okay, na.. salamat,” may halong kunwaring inis na sagot ko. Nag-thumbs lang siya at umalis nako. I wonder kung hindi ko nakilala si Mei siguro mababagot ako palagi sa trabaho ko. She's always keep on trying to approach me even sometimes I would distance myself. We never have the chance to hang out and go have fun after work. Niyayaya siya ng iba naming ka-work pero never siyang sumama kapag hindi raw ko sasama. I sighed, clear my throat and fix myself nang matanaw ko ang front door ng meeting area. It's also covered with a visible wall glass kaya napansin ko halos occupied na ang lahat ng seat. Binilisan ko na ang aking kilos at pagsabay no'n ay ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga folder at documents. Imbes na atupagin tulungan at kunin ang sa akin ay napahawak ako sa braso ko. “Aren't you looking properly we're will–” “E-Excuse me, miss or ma'am. But I guess you're the one who's —” I stop explaining when I saw her nervously picking her things. Mabilis ko na lamang siyang tinulungan. “I'm sorry, nagmamadali rin po kasi ako kaya nabangga ko tuloy kayo.” “It's fine,” sagot niya at tumayo na. Same kami ng direksyon na pupuntahan and base sa suot niya ay mukhang galing sya sa ibang company na mag-aatend para sa meeting. Humarap ako sa kanya and I placed my right hand in front of her. Be polite, approachable, and friendly, dahil for sure ay makakasama ko rin siya sa future projects. “I am Sienna Legaspi from the finance team—” Hindi ko natapos ang pagpapakilala ko ng humarap siya sa akin. Napa-awang ang bibig ko at nanlaki rin ang mga mata ko ng makita at makilala siya. Naninigas ang buo kong katawan at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. For all people, siya pa talaga. Hindi ko pinaghandaan ang araw na ito na muli siyang makita. “Sien—” mahina niyang sambit at akmang aabutin ang kamay ko. Mabilis ko namang nailayo ang kanang kamay ko. Hindi, pwede. Kung dati ay napaka-clingy ko sa kanya na kapag may problema ako ay sasalubungin ko siya agad ng yakap. Gusto kong maranasan ulit iyon pero hindi sa tulad niya. Mabilis ko siyang tinalikuran. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Pagpasok ko sa meeting area ay kompleto na sila lahat at mukhang kami na lang nga ang hinihintay. Hinahanap ng mata ko si Mr. Villamor at baka mapagalitan niya naman ako mamaya, buti na lang at wala pa siya. Isa-isang nagpakilala ang mga nandito habang hinihintay ang CEO. Sa labing-limang katao ang narito ay tanging boses niya lang ang naririnig ko. “Hi, everyone. I'm Michelle Tan from the Lao's company.” Lao? I heard it somewhere, saan nga ba? Oh right. Isa sa mga sikat na company dito, nasa Thailand ang main company ng mga Lao. Pinagmasdan ko siya sa kabilang side ng table habang abala sa mga documents na hawak niya. She's working so hard, I should be happy for her dahil sa Lao company siya nagtatrabaho. And me? I'm not a regular employee ng mga Villamor. We're both graduated with latin honors way back in our college days. But, I was working in one of the company in a province. Life is really different. I wonder how happy she is in her life. “Good morning, Mr. Villamor.” Sabay-sabay na bati ng lahat nang dumating na siya. Okay, I shouldn't be hard to myself. Matapos ang ilang minutong pag-uusap ay mukhang matatapos na nga. My task is to record everything about their suggestions and decisions. And I look like I wasn't really part of the meeting dahil nasa gilid ang upuan ko, sa likod ni Mr. Villamor. At pag nakikita ang mga itsura nila ay mukhang wala silang balak na malaman at makilala ako. Iniisip ko na lang tuloy na sobrang mahal ng suot kong formal dress para hindi lang magmukhang loser sa ex-bff kong si Mich. “Anyway, before we dismissed. I would like to introduce, a beautiful lady I've ever seen.” Mabilis na tumayo si Mr. Villamor at humarap sa akin. What? Binigyan niya ako ng senyales na tumayo. Inalalayan niya rin ako. Wait, what? Hindi ko maintindihan ang nangyayari at hindi ko kung ano ang ire-react ko. “This is miss Sienna Legaspi, my very own trusted assistant secretary. Soon to be part of the board director.” He's too confident saying those words. Part pa rin ba ito ng plano niya, or baka gusto niya talagang bumawi sa akin? Ngumiti ako ng malapad sa lahat at mukhang halatang sinasadya ko na nga ang pagkakataon na ito. Pero ni wala sa kanila ang binigyan ako ng ngiti. Pareho ang mga tingin nila sa akin na naguguluhan sabay bulong sa kani-kanilang katabi. Nakaramdam ako ng hiya sa inasta ng lahat. Wala naman atang mali sa sinabi ni Mr. Villamor, coz I can work hard to be part of the board of directors and to be a legit part of the Villamor's company. Ramdam ko ang paghawak niya sa braso ko na parang bang he really cared for me. Pinapahiya niya lang ba ako rito? Napansin ko ang isa sa kanila ay mukhang nag record pa ng video. Sabay nagtaas ng kamay. “Sir, may I know what's your relations to that woman?” “Yeah, I can't believe you can just hold other woman while you're engaged,” ang sabi ng isa. Mabilis akong lumayo sa kanya. I can't trust him. “Excuse me,” I excused myself to everyone. Napatingin na lamang ako kay Secretary Hidalgo bago lumabas. “Sien, saglit.” Sinundan ako ni Mich sa labas. “Nagtatrabaho ako sa mga Lao. We are preparing for their future partnership.” “So?” kunwaring wala akong pake sa sinabi niya. “Valerie Lao and Ace Villamor was arranged to get marry as soon as posible. May relasyon ba kayo ng CEO?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD