KABANATA 9

1131 Words
“Naku ma'am, kung ayaw niyo sa sandwich akin na lang ah! Uubusin ko to.” Mabilis na kinuha ni Mei ang sandwich at kinain iyon. Nandito kami ngayon sa isang small cafe, malapit lang sa building ng Villamor. Niyaya ko si Mei na lumabas at naisipan na ilibre siya. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ay malaking gulo ang pinasok ko kung maipagpapatuloy pa ang mga nangyayari. Hindi man sabihin ni Mr. Villamor ang gusto niyang mangyari ay may naiisip nako. Paniguradong balak niya akong gamitin para magawa ang gusto niya. Gaya na rin nang nabanggit ni Secretary Hidalgo ay gusto niya gawin ang mga gusto niya, dapat ko na lang alamin ay kung ano iyon. Mukhang mapagkakatiwalaan ko rin si Secretary Hidalgo, sa nga'yon siguro ay magpapatulong ako sa kanya ma-assign sa ibang trabaho or branch ng company nila. “Ma'am, look. Hindi ba ‘yon ay si miss Michelle Tan ng Lao's Company?” Nataranta ako sa bulong ni Mei sa akin. Mabilis akong lumingon sa likuran ko kung saan nakatingin si Mei, at tama siya nga. Mukhang papunta siya sa direksyon namin, ano bang kailangan niya? “Pwede ko ba siyang makausap saglit?” tanong niya kay Mei ng makalapit sa amin. Napatingin na lamang si Mei sa akin at mukhang hinihintay ang desisyon ko. “Just stay,” sabi ko kay Mei at hindi pinansin si Mich. “I need to talk to her privately, please excuse me,” formal na saad ni Mich. Mabilis pa nga itong nakahanap ng maupuan sa harap ko. Wala na akong nagawa nang mabilis na umalis si Mei at lumipat sa ibang upuan. I sighed as I take a glance kay Mich. “Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. May relasyon ba kayo ni Mr. Villamor?” seryoso niyang tanong. “Kung meron man o wala, labas kana don,” tanging sagot ko. Pag sinabi ko bang meron ay lalandiin at aagawin niya sa akin ang CEO? Tulad ng ginawa niya dati, ang pag-agaw sya sa boyfriend ko. Kamusta na kaya sila? For sure, iniwan lang siya ni Ken. “Wala akong oras para makipagbiruan sa'yo, Sien. Gusto ko lang malaman kung ano ang relasyon mo kay Mr. Villamor—” “At tapos? Anong pakialam mo? Ay, teka bakit ka ba nangingialam?” Pinaglakihan ko siyang mata patunay na hindi ako natutuwa sa inaasta niya. “Nag-aalala lang ako para sa'yo. Mag resign kana, umalis ka rito, lumayo ka habang maaga pa.” Hindi ako nakasagot agad sa paliwanag niya. Ramdam ko ang seryoso sa tono ng pananalita niya na para bang totoong nag-aalala siya para sa akin. But no, I shouldn't trust her. If there's someone na tutulong sa akin ay hindi siya yon. Lumingon ako sa direksyon ni Mei at napansin ko ang pag-senyas niya na mauuna na siyang bumalik sa office. I smiled at her and I said wait. Tinignan ko si Mich. “We are not friends anymore, Mich. Stop acting that you cared for me.” “You are the one who needs to stop on acting. Sien, p'wede ba just this time isantabi muna natin ang nangyari noon. This is very important at kung ayaw mong makinig sa akin wala na akong magagawa pa, pero hindi ako nagkulang na sabihan ka—” “Huh! So, ako pa talaga? Wala akong pake sa kung ano man yang sinasabi mo. Can you just leave me alone and don't you dare to talk to me again as if na walang nangyari.” I know this time, nagmumukha akong immature. Pero hindi ko masisi lang ang sarili ko. Kung hindi niya ginawa iyon sa akin ay sana hindi ako napunta sa bar ng gabing iyon at wala sanang nangyari sa akin. Napansin ko ang peke niyang pagtawa. “So, you're still affected? Oh come on, Ken is Ken. Bago kami magkaro'n ng secret relationship, nagawa niya na iyon sa iba.” “Then you didn't tell me because you like it. Gusto mo ikaw ang isunod niya. It's not about she cheated on me, it's just a proof na gusto mong magpaka-tanga. Wala ka man lang tinira kahit konting respeto sa sarili mo.” Dahan-dahan ko ng inaayos ang mga gamit ko habang kausap siya. “Ay, oo nga pala. You're not virgin anymore no'ng naging kayo ni Ken no. How disgusting.” Mabilis siyang tumayo at akmang lalapit para sugurin ako. Pero agad rin akong tumayo at tinuro siya. “Don't you dare to make a scene here. Ito ang huling pag-uusap natin—” “Huwag kang umarte na ang linis linis mo. Hindi pa tayo tapos Sien, ikaw na nga itong sinasabihan ikaw pa ang may ganang umasta ng ganyan. Don't forget, I know everything about you. Pag nailabas ko sa publiko ang kambal mong anak, aba baka huling araw muna nga'yon.” Napahigpit ang hawak ko sa dala kong bag sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niya para isali sa usapan ang mga anak ko. Ang issue namin ay ang nangyari noon tungkol kay Ken. Hindi parin talaga siya patas lumaban. “So, this is really the last that were gonna have a say?” sarcastic na tanong niya. “Huwag mong idadamay dito ang mga anak ko.Nanahimik kami, gaya at nang sabi ko, huwag kang mangialam sa buhay ng iba.” Tumawa siya ng malakas habang nakatingin sa akin na nang-aasar. “You scared? Anyway, fine. Darating ang araw na lalapit at hihingi ka sa akin ng tulong. I'm sorry kung hindi naging maayos ang pag-uusap natin nga'yon, trust me sinubukan ko.” Nang-iinis ba talaga siya? Pasalamat siya at wala akong bala para sa kaniya. “Hays, ewan ko na lang sa'yo. Pa kamusta na lang kay Tita at kina Andi and Drei, hindi mo sinabi ang cu-cute pala nila.” Binigyan niya ako ng peke ngiti bago umalis. Dinaanan niya pa si Mei sa kabilang table. Pero hindi ko na lang pinansin kung ano man ang sinabi niya. Hindi parin maalis ang pangamba ko. Paano niya nakita ang mga anak ko? Alam niya kaya kung saan kami tumutuloy nga'yon? “Ahh, I hate you Mich.” Napahawak ako sa mukha ko at huminga ng malalim. Hindi ko tuloy nagustuhan ang pagtrato ko sa kanya kanina. Pero kung magiging mabait rin ako ay may gagawin parin naman siyang hindi maganda. Kailangan kong kumilos at mag-ingat. Dapat ko munang alamin at magkaroon ng ideya kung sino ang dapat kong iwasan. Pero base sa inaasta ni Mich. Parang ang mga Lao ang dapat kung iwasan, tama nga ba? O, baka naman marami lang talaga siyang alam sa mga Villamor. Tama siya, darating ang araw baka kakailanganin ko siya. Pero hindi dapat mangyari iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD