Habang kumakain ang magkasintahan, hindi nila alam na may nakatingin sa kanila sa ‘di kalayuan. “Ang rupok naman talaga ng babaeng ito,” wika ng isang tao na nakatingin sa magkasintahan. Nakasilip lang ito sa pagitan ng dalawang sasakyan na nakaparada. “Maka-alis na nga…” Tumalikod na ang taong nakatingin sa kanila, “Grabe, sayang lang oras ko, akala ko mag-aaway ang dalawa, hindi pala,” wika ng taong iyon habang naglalakad at sinisipa ang maliit na bato sa daan. Sumipol-sipol pa ang taong iyon habang naglalakad palayo. Samantala, masayang kumain si Gerald sa harapan ng kaniyang kasintahan. Si Christine naman ay naiinis pa rin dahil sa nangyari pero kumain pa rin ng leche plan. “Alam mo, Babe…” usal ni Gerald. Napatingin si Christine sa kaniyang nobyo. Nakangiti ito habang hinihiwa

