Dumiretso ang magkasintahan sa isang fast food restaurant at doon ay nag-order ng makakain. Nakaupo ngayon ang dalawa sa gilid ng salamin na pader ng naturang fast food restaurant. Habang hawak-hawak ni Gerald ang menu book ay naka-isip na siya ng oorderin na pagkain. “Anong gusto mo, Babe?” Tanong ni Gerald. Tumanggi naman na si Christine na kumain. Naintindihan naman agad ni Gerald na kumain na si Christine bago magtungo sa gallery. “Busog ka pa ba?” tanong ni Gerald. Tumango si Christine at sumagot, “Oo, nag-kanin at sabaw kasi kami kamina,” wika ng dalaga kay Gerald. Napangiti na lamang si Gerald at tumayo. Nagtungo ito sa counter at doon ay nag-order. “Good morning, Sir, what’s your order?” magiliw na bungad ng kahera sa kaniya. Ngumiti lang si Gerald at saka sinabi ang kan

