Walang pag-aalinlangan na sinagot ni Alexis ang tanong na iyon ni Alexa. Lahat ay nagulat na may halong pagka-dismaya. “Oo, may gusto ako kay Christine pero…” Tumingin si Alexis kay Gerald, “Hindi totoo na naghihintay ako na maghiwalay sila,” aniya. Napangisi naman si Gerald sa narinig. “Galingan mo naman,” wika ni Gerald kay Alexis. Sasagot pa sana si Alexis nang magsalita si Alexa. “Tama na,” mahinang bigkas ni Alexa para tumigil na ang dalawang lalaki. Naging emosyonal si Alexa sa mga nangyayari. “Hindi niyo ba naisip si Christine? Talagang sa harapan niya pa mismo kayo nag-aaway,” saad pa ni Alexa. Napatingin ang dalawang lalaki kay Christine na ngayon ay tahimik na nakikinig at nanonood sa kanila. Napaiwas ang dalawang lalaki ng tingin sa dalaga. “Christine…” tawag ni Alexa

