Someone’s POV Pumasok ang isang babae na nakasuot ng itim na dress at may itim na sombrero. “Good evening, Ma’am,” bati sa kaniya ng isang waiter na nakatayo sa b****a. Ngumiti ito at nagsabi, “Table for one, please,” aniya. Nagsimula naman na maglakad ang waiter at pinapasunod siya no’n, “This way, Ma’am,” sambit ng waiter habang tintungo ang mesa na pang isahan lang ang sukat at nasa bandang gilid pero malapit sa glass wall na tanaw ang siyudad ng Maynila at ang tanawin ng Manila Bay. Inusog ng waiter ang upuan para makaupo ng maayos ang babae saka inabot ang menu, “Here you go, Ma’am,” Ngumiti ang waiter at ngumiti rin ito sa kaniya. Sumenyas ang babae sa waiter at ito’y pansamantalang pinaalis para makapili siya ng maayos. Habang hawak ang menu ay palinga-linga ito na tila ay may

