Gerald’s POV Nagtaka ako sa kinilos ni Christine kaya naman napatayo ako, nang makita ko ang itsura ni Christine na tila nangangamba at natatakot habang kinakausap ang delivery guy ay dinampot ko agad ang bouquet na kaniyang binitawan at kinakapa ito baka may malaman ako. Nang makita ko na mayroong card na nakapaloob rito ay agad ko itong binasa, “I will try to bring back your memories so that you will remeber how you killed someone... -CHRYS,” Galit kong pinuna ang delivery guy at hinawakan ito sa kaniyang kwelyo, “Kanino galing?!” nanigas ang aking kanang kamao na akmang gusto itong suntukin. Napalakas ang pagsasalita ko dahil na rin marahil sa nainom kong beer. Kaya nakuha namin ang attention ng ibang tao na nandito sa loob ng restaurant. Napalunok bigla ang delivery guy. Hindi ni

