Nagising ako. Mukhang napasarap ang idlip ko kahit na sandaling minuto lang ang tinagal niyon. Napabangon ako. Nag-unat ng mga buto sa kamay. “Teka, bakit ang ganda na ng pader sa basement?” Wika ko. Inilibot ko ang aking paningin. Hindi ito ang basement. Isa itong kwarto. Napatingin ako sa katawan ko. Akala ko ay nawalan ako ng suot mabuti na lamang ay kompleto pa ito sa aking katawan. Nakarinig ako ng hilik. Dahan-dahan ko iyon na nilingon. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Si Alexis iyon. Mahimbing na natutulog sa kanan ko. Napahawak ako sa kumot at itinakip sa aking kalahating bahagi ng mukha. “Oh my, what happened?” tanong ko sa sarili ko. Pilit kong iniisip ang nangyari. Ngunit wala akong matandaan dahil nga tulog ako. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking dalawang

