Hindi na ako natuloy pa sa banyo. Bumalik ako sa pwesto namin at nakita na nakaupo na rin doon sina Alexa at Jaeryll. Inayos ko ang sarili ko. Kailangan ipakita ko na hindi ako apektado sa nangyari. Taas noo akong naglakad palapit sa kanila. “Where have you been?” bungad ni Alexa. “Sa washroom,” sagot ko. Nagtaka naman si Jaeryll sa sinabi ko. “Pero bakit ka doon nanggaling?” tanong niya. Nakaturo ito sa direksyon na pinanggalingan ko. “Bakit mo naman natanong Jaeryll?” tanong ni Alexa. “Hindi naman doon ang washroom,” wika niya. Patay na. Bakit ko pa kasi sinabi na galing ako doon. Sana kainin na lang ako ng lupa. Wala na, finish na. “Baka naman galing siya ng washroom tapos naisipan na mag-ikot,” saad ni Alexis. Nagulat ako sa sinabi ni Alexis. Tinignan ko siya, kalmado l

