Namangha ako sa loob ng bar na pag mamay-ari ni Jaeryll. Hindi ito tipikal na bar na laging pinupuntahan ng mga kabataan. Kung ako ang tatanungin. Hindi kaya ng isang average teenager na magbayad ng mga iinumin nilang alak ang presyo rito. Idagdag mo pa ang mga mga disenyo at mga naka-display sa loob. Mukhang malaki talaga ang ginastos para mapatayo at mapaganda ang loob ng bar. “Mukhang mga mayayaman lang ang nakakapasok dito,” sambit ko. Nasa counter na si Jaeryll. Umiling ito habang nakangiti. “No, want to check the price?” wika niya. Nakaupo na rin ngayon sina Alexis at Alexa. Lumapit ako papunta sa counter at nagtanong sa kaniyang bartender ng presyo ng bawat alak na narito. “Excuse me,” sambit ko. Masaya naman akong nilapitan ng lalaki at magiliw akong sinagot. “Hello, wh

