Nakita ko si Alexis. Nakasalo ang kaniyang kamay sa ilalim ng aking tiyan at ang isang kamay ay nasa aking balikat nakaalalay. Hindi ako agad nakasagot sa kaniyang tanong. Nagkatitigan kaming dalawa. May kung ano akong nararamdaman sa mga titig niya sa oras na ito. Mga matang nagmamahal ng palihim. Bakas din sa kaniya ang pag-aalala. Napakaswerte talaga ng babae na kaniyang mamahalin at pakakasalan. Nagbalik ako sa wisyo nang marinig kong magsalita si Jaeryll at Alexa. “Is she okay?” Tanong ni Jaeryll. “I hope she’s fine, anong gagawin ko kung nasubsob ang kaniyang mukha?!” histerikal na saad ni Alexa. Bakas sa mga tono ng kanilang pananalita ang pag-aalala. Ganoon na ba ako? Pabigat sa lahat ng tao na nakapaligid sa akin? Nakadepende lang sa kanila? Hindi kayang tumayo sa saril

