Nabigla ang lahat sa aking sinabi. Hindi makapaniwala ang kambal sa kanilang narinig. Mula kolehiiyo ay magkakasama na kaming apat. “A-are you sure?” Tanong ni Alexa. Tumango ako. “May ebidensya ka ba?” Tanong ni Alexis. Napailing ako. “I don’t have any solid evidence right now…” sagot ko, “But the girl answered my call, twice,” dagdag ko pa. Napatayo si Alexa. “God! I can’t believe Gerald would do that,” aniya. Malakas niyang pinadyak ang kaniyang paa sa sahig habang nakahawak sa kaniyang bewang. Humarap ito sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko. “Nasa hotel niyo ba siya ngayon?” tanong niya. Umiling ako. Napasinghal siya sa inis. “Where the hell is he?” tanong niya. Napangiwi ako. “As what I’ve said earlier to Alexis, wala akong kasama,” wika ko. “And then?” ani

