Nakatakip ng braso ang mukha nito kaya naman hindi pa makumpirma ni Joyce kung tama ba na si Jaeryll iyon. Muli niya itong tinawag sa ngalan nito. “Jaeryll? Is that you?” aniya. Narinig pa ni Joyce na suminghap ito saka nito tuluyang tinanggal ang pagharang ng braso sa kaniyang mukha. Tama nga ang hula ni Joyce base na rin sa hubog ng katawan nito nang makita niya. Si Jaeryll pala ang taong tinatago ni Imee sa loob ng gallery. Nang makita niya na si Jaeryll iyon ay nanlaki ang mga mata ni Joyce sa nakita at hindi napigilan na matawa dahil sa itsura nito. Mukha itong walang tulog at magulo pa ang buhok. Naisip ni Joyce na baka rito ito nagpalipas ng gabi kasama si Imee. Napakamot naman sa ulo si Jaeryll nang si Joyce ang makahuli sa kaniya. “What are you doing here?” tanong ni Joyc

