We’ve reached our room. Napasandal agad si Gerald sa sofa at napapikit. “This day is so exhausting,” aniya. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa kwarto. “Yes, and frustrating,” sagot ko. Hinubad ko ang aking suot at nagtungo sa banyo para maligo. “Why frustrated?” Tanong ni Gerald. Nabigla ako doon. Bakit ko nga ba sinabi iyon? Binuksan ko ng konti ang pinto ng banyo at sumigaw. “Ang init kasi!” turan ko. Natawa naman si Gerald. “Tama ka sobrang init kanina pero bakit ka ba sumisigaw ka?” Tanong niya. “Nasa banyo ako at maliligo!” sigaw kong muli. Hindi na sumagot pa si Gerald sa akin. Binuksan ko na ang shower at naligo. Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng kamay na pumalibot sa aking baywang. Nagulat ako. Kamuntikan pa akong madulas dahil basa ang tiles. Mabuti na l

