Naririnig ko na may nag-uusap sa paligid ko. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Boses iyon ni Gerald at Joyce. Mukhang nagtatalo sila pero hindi ko marinig ng mabuti. Sinubukan kong dumilat kaso parang ang bigat ng aking mga mata at ayaw bumukas. Napaungol ako. May biglang humaplos sa ulo ko. “Babe, are you awake?” tanong nito. Iminulat ko ang aking mata at unang nasilayan ang nag-aalalang mukha ni Gerald. “Miss, thank goodness!” Bulalas ni Joyce. Hinapo ko ang aking dalawang sintido. Masakit pa rin iyon. “What happened?” Tanong ni Gerald. Nagpa-alalay akong makaupo ng maayos at inalalayan naman ako ni Gerald. “I don’t know…” wika ko, “Bigla na lang dumilim ang paligid ko habang nasa banyo kami ni Joyce,” dagdag ko pa. “You heard her, bigla lang siyang nag-collapsed,” turan ni

