Sa gulat ko sa aking nakita kamuntik na akong matumba. Lahat na ata ng emosyon ay nararamdaman ko sa mga oras na ito. “Miss, are you alright? You look so pale,” ani ni Joyce. Hawak niya ang aking braso dahil muntik na akong matumba sa aking kinatatayuan. Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ayos lang ako kahit na alam ko na hindi. “Miss, magsalita ka naman,” aniya. Natataranta na si Joyce na hindi alam kung ano ang gagawin. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo sa upuan. Umupo rin siya sa aking tabi at marahan akong kinausap. “Miss, may problema ba?” tanong niya. Hindi pa rin ako makapagsalita. Ang lakas ng impact ng litrato na ipinadala sa akin ngayon ng kung sino man ang tao na ito. Tumayo si Joyce, hinawakan ang aking balikat. “Hintayin mo ako, I’ll

