Nakarating na sila sa masyon ng pamilya Hortaleza. Doon ay sinalubong si Christine ng isang mainit na yakap mula sa ina ni Gerald na si Rose. “Oh, iha! Mabiti naman at ayos lang ang lagay mo,” wika ni Tita Rose. Alalang alala ang tinig nito habang hinahaplos ang likuran ni Christine. “Pasensiya na at ‘di ako nakadalaw sa iyo, alam mo na, matanda na,” saad pa nito. Ngumiti si Christine. “Ayos lang po, Tita,” wika ni Christine. Inaya naman siya ni Rose na maupo na sa kaniyang tabi. Nakita naman ni Christine na nagbabasa ng dyaryo ang ama ni Gerald na si Rey. “Good afternoon po, Tito Rey,” sambit ni Christine. Umubo lang ito ng bahagya at tumingin sa kaniya sabay ayos ng hawak na dyaryo. “So, ano palang sadya mo rito?” tanong ni Rose. “Ma? Bakit ako hindi niyo pinaupo?” nagmamakaawa

