Nang matapos na ang libing ay nagpaalam na ang magkasintahan na sina Christine at Gerald kay Jaeryll. Ngayon, nasa wedding shop sila at araw ng pagsukat ni Christine ng gagamitin niya para sa kanilang kasal. “Babe, too revealing,” wika ni Gerald. Nakaupo ngayon si Gerald at naghihintay lang ng babagay kay Christine na maisusuot sa kanilang kasal. “But, nakaka-apat na sukat na ako,” saad ni Christine. Napasimangot na lang si Christine dahil nga sa hirap suotin ng mga gown na kaniyang pinagpipilian. “Please, for our wedding,” sambit ni Gerald. Napairap na lang si Christine at iniangat ang laylayan ng gown para makapaglakad pabalik sa fitting area. “She’s so pretty, lahat bagay sa kaniya,” wika ni Gerald. Napapangiti na lang si Gerald habang tumitingin sa magazine. Sa loob ng fittin

