Lumipas ang apat na araw at ngayon nasa sementeryo sila upang tuluyan ng ilibing ang katawan ni Joyce. Naroon na rin ang magulang ni Joyce na galing pa sa Amerika. Hindi nito pinapansin si Christine kahit sila’y nagkikita sa lamay. “Masayahing bata ang anak ko, maraming pangarap sa buhay, pero sa huli kukunin din pala siya mula sa amin. Nauna ng kunin sa amin si Aerielle pati Joyce kinuha na rin niya dahil sa kagagawan lang ng iisang tao,” Sabay tingin kay Christine ng ina ni April. Ramdam ni Christine ang galit mula sa pagtitig pa lang ng ina ni Joyce. Bakas sa mga mata nito ang poot. Nanatiling kalmado si Christine at ngumiti lamang sa ina ni Joyce. Inakbayan naman ng ama ni Joyce ang kaniyang asawa para pakalmahin dahil pati siya ay ramdam ang galit ng asawa. “Proud ako sa aking an

