OoSa wakas, nakarating na kami sa tapat ng hotel. “Hanggang dito na lang ako,” wika ni Alexis. Ngumiti ako. “Salamat sa paghatid sa akin,” sambit ko. Bumaba na ako ng sasakyan at isinara ang pinto ng kotse. Dumungaw ako sa may bintana ng kotse nang nakangiti. “Mag-iingat ka, see you,” saad ko. Tumango naman si Alexis at kumaway pa sa akin bago umandar ang sasakyan. I sighed. “I hope everything will be alright,” bulong ko. As I turned back, I saw Gerald standing there. “Babe, bakit ka nandito?” Tanong ko. “Hinihintay ka,” sagot niya. Lumapit siya sa akin at umakbay. “Ang tagal mo,” aniya. Naglakad na kami papasok sa may lobby ng hotel. “Oo nga, eh…” sagot ko, “Nanlibre kasi si Tita Gladys ng dinner,” dagdag ko pa. “Kumusta naman pala sila?” tanong niya. “Teka,” Nag-isip ak

