“Mmm…” ungol ko. “Masarap pala talaga dito kaya pala maraming kumakain,” saad ni Alexis. Nag-mayabang naman si Alexa sa kaniyang kambal habang naghihiwa ng eye rib. “I’m so good, right,” wika nito. Napatigil naman si Alexis sa pagkain niya at tumingin sa kaniyang kambal. “I’m the one who chose this restaurant,” dagdag pa nito. Tumawa naman si Alexis. “Inaangkin ko ba?” wika niya. Natigil na rin sa pagkain si Alexa at binigyan ng masamang tingin si Alexis. “Sinabi ko ba?” sambit ni Alexa. “Hindi mo direktang sinabi pero gano’n ang pagkakarating sa pagkakasabi mo,” turan ni Alexis. Nagpalitan naman sila ng mga salita sa isa’t isa. Para akong nakikinig ng bangayan sa radiyo. Ilang sandali pa ay hindi na nakapagtimpi si Tita Gladys at nagsalita na. “Hindi ba talaga kayo titigil?”

