Crowded pala ang place na ito marahil ay masarap ang mga hinahain dito. “Christine, its so popular, isn’t it?” sambit ni Alexis. Nakasilip kami ngayon sa restaurant at naghahanap ng mapaparadahan ng sasakyan. “There, there!” sambit ko. Turo ko sa bakanteng parking space sa pagitan ng itim na vios at asul na ford. “Okay,” tugon ni Alexis. Tinungo naman agad ni Alexis ang bakante pwesto at saka siya doon nag-park. “Grabe, full na agad ang parking space nila,” wika ko. “Baka masarap ang luto,” sambit ni Alexis. Bumaba na kami ng kotse at pumasok na sa restaurant. Pagkapasok pa lang namin ay agad na bumungad ang isang staff ng restaurant. “Good evening!” bati nito. “Good evening,” tugon ko. “This way, please,” aniya. “Ay, hindi na po, I’ll call my friend na lang,” wika ko. “Sige

