Nasa expressways pa rin kami, nakita ko sa sign board na 5 km na lang at malapit na kami sa express toll. “Anong oras na ba?” tanong ni Gerald. Tumingin ako sa relo ko, pasado ala-sais na pala. Mas matagal ang biyahe namin kaysa sa pamamalagi namin sa tahanan ni Aling Pina na siyang tunay na ina nila Alexa. “Six na,” sagot ko. “Gano’n ba,” aniya. “Bakit?” tanong ko. “Wala naman, ano nga pala ang gagawin sa makalawa?” tanong niya. Napa-isip ako. Anong araw ba ang makalawa? Tinignan ko ang aking cellphone at nagpunta sa calendar. Sabado pala iyon, ang nakatakdang araw para makilala ni Alexis si Stef. “Meeting Stef,” sagot ko. “Maganda ba iyon?” aniya. Napatitig ako sa kaniya at ngumiti ng nakakaloko. “Don’t stare at me like that, its giving me chills,” turan niya. Nakangisi pa ri

