Nasampal niya si Jaeryll. Nagulat si Jaeryll dahil doon at napahawak sa pisngi na sinampal ni Imee. “Para saan ang sampal?” tanong ni Jaeryll. “Siraulo ka! First kiss ko iyon, first kiss!” bulalas ni Imee. Doon lamang napagtanto ni Jaeryll ang lahat. Walang karanasan tungkol sa pag-ibig si Imee dahil hindi pa nito nararanasan ang mga iyon. Napangiti si Jaeryll. “Basta, hintayin mo ako,” aniya. Kumunot ang noo ni Imee. “A-Anong hinatayin?” tanong ni Imee. Gumilid ng tayo si Jaeryll at napatingala sa hagdan. “Kapag natapos na ang kailangan kong gawin, baka p’wedeng maging tayo,” turan ni Jaeryll. Mas lalong naguluhan si Imee sa mga pinagsasasabi ni Jaeryll. “Jaeryll, hindi ko alam at hindi kita maintindihan,” wika ni Imee. Napahagikgik si Jaeryll. “Huwag mo munang alamin, ayaw

