Dumating na sina Jaeryll kasama ang ama ni Imee sa ospital. “Bakit kayo bumalik?” tanong ni Imee. Lumapit sa kanila si Mang Juanito at hinawakan ang balikat ni Imee. “Ikaw na ang umuwi, ako na magbabantay sa mama mo,” saad ng ama ni Imee. Napaatras ng bahagya si Imee at itinaas ang isang kilay. “At bakit?” tanong ni Imee. “Sige na, dali, alis!” wika ng kaniyang ama. Pinagtutulakan siya nito palabas ng silid. “Ma, si papa, oh,” wika ni Imee. Nagpapaawa pa ito sa kaniyang ina habang itinataboy ng kaniyang ama. “Sige na, umuwi ka na at magpahinga,” sambit ng kaniyang ina. Mahinang tumatawa ang ina habang nakahiga sa higaan. “Mama, naman!” bulalas ni Imee. Nagmamaktol na si Imee sa kaniyang magulang upang ipakita na hindi nito nais na umuwi kasama si Jaeryll. “Oh, bakit?” tanong

