Nagising si Christine dahil sa tunog ng alarm. Nakapikit ang kaniyang mga mata nang ito’y kaniysng patayin. Umungol muna ito saka tumagilid para makita ang mukha ni Gerald habang natutulog. Napangiti si Christine nang makita ang mahimbing na lalaking kaniyang katabi. Hinaplos nito ang ilong at kilay ng nobyo. Napadilat si Gerald dahil sa ginagawa ni Christine. “Good morning, sweet little angel,” bungad ni Gerald. Inaantok pa itong binati si Christine at pumipikit-pikit pa ng mata. “Good morning, love,” bati ni Christine. “Kanina ka pa gising?” tanong ni Gerald. Umiling si Christine. “Kagigising lang din dahil sa tunog ng alarm,” sagot ni Christine. Ngumiti si Gerald sabay pikit ng mga mata. “Sige na, matulog ka na muna, mag-aasikaso lang ako sa kusina,” saad ni Christine Buman

