Nang matapos na si Christine sa kaniyang ginagawa ay napagdesisyunan niyang maligo na para makapunta na agad sa gallery at magawa na ang painting na request sa kaniya ni Mr. Robinson. Naabutan niyang naglalaro sa xbox si Gerald. Tumabi muna siya roon. “Babe, wala ka ba work?” tanong ni Christine. Patuloy pa rin sa paglalaro si Gerald at nakatutok doon. “Half day, tinatamad pa ako,” sagot ni Geradl. Napalingon si Christine sa kaniya at nagtaka. “Saan? Kailan pa?” tanong ni Christine. Namatay ang player ni Gerald sa laro kaya napalingon din ito kay Christine. Nakita niyang nakatingin ito ng masama sa kaniya kaya naman natawa siya. “Nakakatawa ‘yang itsura mo,” saad ni Gerald. Inirapan ni Christine si Gerald na patuloy pa rin sa pagtawa. Napasinghap siya at napanguso na lamang sa kan

