Chapter Six

1431 Words
I was about to start the engine of my car when my phone rang. “Did you enjoy it? How’s my gift?” tumatawang bungad ni Hyori pagkasagot ko sa tawag niya. “Gaga ka. Hindi mo man lang ako in-inform ahead of time. Hindi ako prepared, mars!” sagot ko sabay tawa. “Anyway, nasaan ka na nga palang bruha ka? Paalis na `ko ng condo mo. Are you still coming with me o may iba ka na namang plano?” Wala rin kasi sa hulog `tong kaibigan ko. Pabago-bago ng plano. “Of course, as a matter of fact, hinihintay ka na namin,” anito at binanggit ang isang gasoline station kung saan sila naghihintay. Malapit lang ang naturang gasolinahan sa condo unit ni Hyori. “Baka kasama mo si Gian, mars? Nakakahiya!” “Ba’t naman nakakahiya? Kineme mo, noh?” “Gaga! Walang nangyari, noh!” depensa ko sa sarili ko. “Sus, kilala kita mars. Sa gwapong `yon ni Gian, sure ako na hindi mo palalampasin `yon. Saka huwag kang mag-alala at hindi sasama `yon at paalis ng Amerika `yon bukas. Kaya nga ginawa ko kayong gift sa isa’t isa.” “Siraulo ka talaga. Sige na, papunta na `ko diyan,” sabi ko at pinatay na ang phone. Paglabas ko ng parking lot ay nakita ko pa si Gian na naglalakad palabas ng main gate. Mabuti na lang ay tinted ang salamin ng car ko kaya hindi niya makikitang ako ang nasa loob ng sasakyan. He is really tall and handsome. Lalaking-lalaki rin ang tindig at paraan ng paglalakad. Nilampasan ko na siya at tuluyan na `kong lumabas ng gate at wala pang limang minuto ay nasa gasoline station na `ko at agad ko namang nakita si Hyori kasama ang latest boyfriend niya. Pagbaba ko ng kotse ay napansin ko ang isa pang lalaki na nakasandal sa bandang likod ng kotse ng boyfriend ni Hyori at kasalukuyang tumutungga ng beer. Wala sa sariling napatingin ako sa adam’s apple ng lalaki na tumataas-baba habang umiinom siya ng beer. The way the drink the beer is so damn sexy. Nang magtama ang mga mata namin ay hindi ko mapigilang mapangiti nang mapagtanto kong gwapo ang lalaki. Lord, umuulan yata ng gwapong lalaki ngayong gabi. Ano’ng meron? Bulong ng isip ko. “Mars!” pukaw ni Hyori sa atensiyon ko na ngayon ay yakap-yakap na `ko. “Yummy ni Gian, noh?” bulong niya sa tenga ko. “Mas yummy yata `tong nasa harap ko ngayon,” bulong ko naman sa kanya na may kasamang landi ang boses. “Oh,” kumalas sa akin si Hyori at pinakilala ako sa lalaking kasama nila. “This is Ken Nicholas nga pala, mars. Pinsan ni Kenzo,” ani Hyori. Si Kenzo ay ang jowa ni Hyori na DJ sa isang kilalang superclub sa Tomas Morato. “Ken, this is my friend Keira.” Bahagyang lumapit sa akin si Ken at inilahad ang isang kamay para makipagkamay. At hindi ko maiwasang mapatulala nang bahagya siyang ngumiti exposing his beautiful set of teeth. Pwede siyang kuning commercial model ng Close-Up. Bukod sa magandang smile ay maganda rin ang lahat sa kanya. Medyo singkit ang mata, matangos ang ilong at natural na mamula-mula ang labi. He’s probably 5’9” or taller. Hindi bulky ang katawan niya pero hindi rin naman chubby. Hindi ko alam pero mas attracted ako sa kanya kesa kay Gian. Ngiti pa lang kasi ni Ken, parang malalaglag na ang panty ko. Jusmio. “Pumasa ba ako sa panlasa mo?” he asked with his lopsided smile. At teka nga, ganoon ba ka obvious ang ginawa kong pag i-scrutinize sa kanya? I wasn’t scrutinizing him. I was appreciating his male beauty, kontra ng isang bahagi ng isip ko. “Pasado naman,” nakangiting sagot ko sa kanya na bahagya pang itinaas ang isang kilay ko. “Aalis na ba tayo o magtititigan na muna kayo?” narinig kong tanong ni Hyori. Panira ng moment `tong babaeng `to. “Tara na,” yaya ko sa kanila na kunwa’y hindi ako nakaramdam ng panghihinayang nang maghiwalay ang mga kamay namin ni Ken. “Ken, sa kotse ka na ni Keira sumakay para naman may kasama siya,” ani Hyori na kinindatan pa `ko. “Sure. If okay ka lang sa kanya?” sagot naman ni Ken na tumingin sa akin. “Of course, okay lang sa akin. Para naman may kapalitan akong mag-drive. I guess marunong ka namang mag-drive?” “Ay, mars. Super galing niyang mag-drive ni Ken,” ani Hyori na tila iba ang ibig ipakahulugan sa salitang “drive.” Nakita ko rin ang panunudyo sa mga mata niya. “Tara na nga!” sabi ko na lang na sumakay na sa kotse. Inilagay lang ni Ken ang bag niya sa backseat at sumakay na sa tabi ko. Pagkasara niya ng pinto ay agad na humalo sa loob ng sasakyan ko ang pabango niya. Hindi ko napigilang mapapikit at samyuhin ang amoy niya. He smelled nice and sexy. Playboy ang perfume niya. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita kong nakatitig sa akin si Ken. “Did you like it?” Obviously, he’s pertaining to his scent. “I love it,” honest na sagot ko na nagpangiti naman sa kanya. “Thanks.” I heard him murmured before I turned on the ignition. Convoy kami nina Hyori at nauna sila nang bahagya sa amin. On the first few minutes of our drive ay pareho kaming tahimik ni Ken. Nakatutok ang mata ko sa daan habang siya naman ay napapansin kong panay ang sulyap sa `kin. Mayamaya lang ay hindi rin ako nakatiis at nag umpisa akong mag-usisa sa kanya. “Are you single?” Bahagya siyang tumingin sa `kin bago sumagot. “Why are you asking?” Nagkibit balikat ako’t muling nagsalita. “I’m single. Kung may boyfriend ako, hindi sana ikaw ang kasama ko ngayon,” sabi ko. “Ikaw, are you single?” Ngumisi siya bago binalik sa akin ang sinagot ko sa kanya kanina. “Hindi rin ikaw ang kasama ko ngayon kung may girlfriend ako. Anyways, why are you asking?” tanong niyang tumatawa. Stupid questions. Nang mag red ang stoplight sa unahan ay hininto ko ang kotse at tumingin sa kanya. “I’m asking dahil balak kitang landiin sa three days stay natin sa Batangas.” I said boldly. “I won’t really mind. Pareho naman tayong single, so why not? Just to let you know, I love flirting too,” he said before winking at me. Bago mag go signal ay nagawa ko pang sabihin sa kanya na, “I’m only good for flirting, Ken. No strings attached. Let’s just have fun, okay?” “Okay,” sagot ni Ken bago ko muling pinaharurot ang sasakyan. Bandang alas-sais na nang makarating kami sa Matabungkay. Nakapagpalit na kami ng pwesto ni Ken kanina at ang dami na rin naming napag-kwentuhan habang siya na ang nasa likod ng manibela at ako naman sa passenger’s seat. Nang makita naming bumaba ng kotse sina Hyori ay bumaba na rin kami ni Ken. May kinausap kaming tao at nagtanong kung saan kami pwedeng mag-rent ng cottage. Luckily ay may nahanap naman agad kami. Two cottages ang kinuha naming. Sina Hyori at Kenzo ang magkasaa sa isang cottage habang kami naman sa isa. Matapos mag breakfast ay nagkayayaan munang matulog dahil nakakapagod at nakakaantok ang ilang oras na biyahe. Humiga na `ko sa malambot na kama habang binubuksan naman ni Ken ang aircon. Medyo madilim sa loob dahil makapal ang kurtina ng bintana. Mayamaya pa ay naramdaman kong lumundo ang kama at katabi ko na si Ken. Nang tignan ko ang katabi ko ay nakatihaya lang siya habang nakapatong ang isang braso niya sa noo at isang kamay naman ay nakapatong sa tiyan. Wala man lang yakap? gusto ko sanang iungot sa kanya. Pero sa halip na isatinig pa ang nasa isip ko ay kusa na `kong umusog palapit sa kanya at isiniksik ko ang mukha ko sa mabangong leeg niya habang ang isang kamay ko ay dumantay sa tiyan niya. Mayamaya lang ay naramdaman kong kinabig ako ni Ken palapit sa kanya habang ang isang kamay niya ay pumulupot sa bewang ko. “Good night,” bulong ni Ken bago ako kinintalan ng halik sa noo. Sa ganoong posisyon kami nakatulog pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD