Chapter Seven

1550 Words
Bahagyang yugyog sa balikat ang nagpagising sa akin pero hindi ko agad iminulat ang mga mata ko. Inaantok pa ang diwa ko at masarap sa pakiramdam ang makulong sa mga bisig ni Ken. “Hey sleepyhead, gising na,” narinig kong sabi ni Ken. Umungol lang ako at lalo ko pang isiniksik ang mukha ko sa leeg niya. He really smells nice. “Five minutes,” I murmured against his neck. Kung bampira lang ako, kanina ko pa siguro nakagat ang leeg ni Ken. Lumipas ang limang minuto at muli akong ginising ng binata. This time ay hindi na pagyugyog sa balikat ko ang way niya nang panggigising kundi ang pagkiliti sa tagiliran ko. Napasigaw ako nang dutdutin niya ang kaliwang side ko. Hanggang sa ang sigaw kong `yon ay tuluyang nauwi sa tawa. “Bad ka!” nanggigigil na saad ko bago marahang kinagat ang kaliwang braso niya. “Ouch!” nakangiting reklamo niya na ngayon ay nakatukod na ang isang siko sa kama at bahagyang nakatagilid paharap sa akin. Kusang umakyat ang isang kamay ko papunta sa pisngi niya at marahan iyong pinisil-pisil. “Ba’t ang gwapo mo?” I asked him. Kinuha naman ng isang kamay niya ang kamay ko na nasa pisngi niya at dinala iyon sa labi niya. He kissed my knuckles before resting it on his pounding chest. “Bolera ka pala,” natatawang saad niya. Bumangon na `ko at tuluyang naupo sa kama. “Seryoso ako. Ang gwapo mo talaga. Feeling ko nga hindi makatarungan ang mundo kasi ang gwapo-gwapo mo pa rin kahit bagong gising tayo. Samantalang ako, sigurado akong mukha akong bruha ngayon,” sabi ko pa na wala sa sariling napahawak sa magulong buhok ko. This time ay si Ken naman ang humaplos sa pisngi ko. “Ngayon ko lang nalaman na magaganda pala ang mga bruhang bagong gising,” he said. Nakita ko ang genuine appreciation sa mga mata niya nang sabihin ang mga katagang iyon kaya hindi maiwasang kiligin ng puso ko. May sasabihin pa sana ako pero biglang may kumatok sa pinto namin. “Guys, bangon na! Lalamig na ang pagkain!” It was Hyori. “Kanina pa nila tayo ginigising. Ang tagal mong magising, eh,” natatawang saad ni Ken. Sa halip na sagutin siya ay umusog ako sa kanya at ipinulupot ko ang dalawa kong kamay sa leeg niya—as if it was the most natural thing to do on earth. Hindi naman ako nabigo dahil mayamaya lang ay naramdaman kong gumanti rin ng yakap sa akin si Ken. No strings attached, Keira. Remember that you’re here to have fun. Falling for this guy is not part of your itinerary, paalala ng isang bahagi ng utak ko. “Tara lets,” yakag ko kay Ken nang sa wakas ay makuntento na `ko sa pagkakayakap ko sa kanya. Inalalayan pa niya `kong tumayo at sabay kaming lumabas ng cottage. Naghihintay naman sa amin sina Hyori at Kenzo sa isang nipa hut na kasya yata ang sampung tao. “Nauna na kaming kumain. Tagal niyo, eh,” ani Kenzo na kasalukuyang binabanatan ang lechon manok. “Kuha na lang kayo ng plato niyo.” Pinaupo na `ko ni Ken at siya na raw ang magsasandok for us. And yes, iisang plato lang ang gamit namin; at siya ang nag-insist. And I’m not complaining, dear. Kulang na lang ay magsubuan kaming dalawa ni Ken. Pero baka naman sabihin ng pinsan niyang masyado akong nagmamadali kaya nagpigil-pigil ako. I can take this slow, baby. Matapos kumain ay nagkayayaang mag-swimming agad. Wala nang hugas-hugas dahil disposable lahat ng gamit namin except sa tupper ware na lagayan ng kanin at ulam. Nagkanya-kanyang balik ulit kami sa cottages namin para magpalit ng swimming attire. Habang hinahalungkat ko ang maleta ko ay nakikita ko naman sa peripheral vision ko ang paghuhubad ni Ken sa sando niya exposing his delectable body. Nang mahanap ko ang black two-piece ko ay isa-isa ko na ring hinubad ang mga damit ko. Hindi na `ko nag-abalang pumunta sa CR. “Talikod ka muna,” sabi ko kay Ken nang naka bra at panty na lang ako. Mabilis namang tumalikod ang binata. Mabilis na sinuot ko ang two-piece swimming attire ko na lalong nagpalitaw ng kaputian at kaseksihan ko. “Pwede ka nang humarap," sabi ko sa kanya makalipas ang ilang sandali. Sunod na kinuha ko sa maleta ay ang sunblock lotion ko. Naupo ako sa kama at sinenyasan ko rin si Ken na maupo sa tabi ko. “Palagay ako sa likod ko, please,” pakiusap ko sa kanya bago ako dumapa sa kama. Mabilis namang naglagay ng sunblock sa isang kamay si Ken at saka iyon hinalo sa isa pang kamay niya. Mayamaya lang ay nararamdaman ko na ang kamay niya sa likod ko. Bahagya pa niyang minasahe ang balikat ko pababa nang pababa hanggang sa itaas na bahagi ng buttocks ko. Unknown to him, pigil ang hininga ko habang ginagawa niya ang bagay na `yon. Nagpipigil rin akong mapahilinghing dahil sa totoo lang ay parang nakikiliti ako na hindi ko maintindihan. Naglagay ulit ng lotion si Ken sa kamay niya at sunod na pinahiran ang legs ko. The effect was just the same. It was electrifying. Nakakakuryente—sabi nga ni Dawn ng #PBB737. After that ay tumihaya naman ako. Not minding of my bouncy boobs. At nakita kong saglit na napatulala si Ken habang nakatitig sa boobs ko. Pero mayamaya lang ay kumurap rin siya at muling naglagay ng sunblock sa kamay at ipinagpatuloy ang ginagawa. He started with my hands, sa neck pababa sa dibdib—except for the part na natatakpan ng swimwear ko—and lastly, sa tiyan ko. And that’s the part na talagang hindi ko na mapigilan ang kiliting nararamdaman ko. It’s like there were butterflies inside my stomach na hindi ko maintindihan kung saan nanggaling. Sa bawat haplos ng kamay ni Ken sa tiyan ko ay parang may namumuong kung ano sa puson ko. At bago pa man ako tuluyang mabaliw dahil sa sensasyon `yon ay pinigil ko ang kamay niya at siya naman ang pinahiga ko sa kama. I mimicked what he did to my body a while ago. Pero sa halip na pumwesto sa gilid niya ay dumagan ako sa likod niya. Nakaupo ako sa pang-upo ni Ken habang hinahaplos ng kamay kong may sunblock ang likod niya. “Do you like it?” bulong ko sa tainga niya habang ipinagpapatuloy ko ang ginagawa ko. Dumausdos ako nang kaunti at pinahiran rin ang itaas ng buttocks niya. Hindi pa ako nakuntento at bahagya kong ipinasok ang dalawang kamay ko sa garter ng suot niyang boxer shorts—gently massaging his upper buttocks. Moments later my fingers slides towards the side of his hips and gently massaged his V line. I heard Ken moan at nag-angat pa siya ng mukha at saka nagsalita. “You’re teasing me.” Nagmamaang-mangang tumitig ako sa kanya. “Ha? Nilalagyan lang naman kita ng sunblock. There, it’s done.” Pinatihaya ko naman siya habang naglalagay ulit ako ng lotion sa kamay ko. Muli rin akong sumampa sa ibabaw niya at sinimulang haplusin ang leeg niya pababa sa dibdib niya. At habang ginagawa ko `yon ay naramdaman kong unti-unting nabubuhay ang p*********i niya. I could feel it dahil nakaupo ako crotch area niya. “Are you okay?” natatawang tanong ko sa kanya dahil habang nilalagyan ko ng lotion ang bandang tiyan niya ay napapapikit siya nang marahas. Mayamaya lang ay mabilis siyang bumangon sa pagkakahiga habang nakaupo pa rin ako sa ibabaw ng bewang niya at sunod na naramdaman ko ay ang pagbaon ng mukha niya sa leeg ko habang ang dalawa niyang kamay ay kusang naglalakbay sa likod ko. Creating wonderful sensations. Mabilis rin ang t***k ng dibdib ni Ken na naramradaman ko dahil nakalapat ang isa kong kamay sa tapat ng dibdib niya. “You’re driving me nuts, Keira,” narinig kong saad ni Ken sa namamaos na tinig. Bahagya akong dumistansiya sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang mukha hanggang sa magtagpo ang mga mata namin. Right at this very moment, feeling ko ay nananalamin kami sa mata ng isa’t isa. I could see lust in his eyes: and I’ sure that he could see the same thing in my eyes. Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Ken sa mukha at parang alam ko na ang balak niyang gawin. He’s going to kiss me. Pero bago pa man maglapat ang mga labi namin ay may kumatok na sa pinto. I rolled my eyes in utter disappointment. Halatang dismayado rin si Ken. Nagkatawanan na lang kami bago namin pinagdikit ang mga noo naming dalawa. Pero bago kami tuluyang tumayo ng kama ay mabilis na hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi. At siyempre, hindi rin naman nagpahuli si Ken. He also kissed me on the cheeks. And it suddenly feels like the sweetest kiss on earth. Paglabas namin ay naghihintay na samin sina Hyori—both on their swimming attire. “Tara na!” excited na yaya ni Hyori sa amin. Habang naglalakad papunta sa dagat ay inakbayan ako ni Ken habang ang isa ko namang kamay ay pumulupot sa bewang niya. Life is indeed great.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD