Chapter Twenty

2024 Words
Hindi ko inaasahan na ang ‘soon’ na tinutukoy ni Ken ay ng gabi ring mismong `yon. It was almost midnight at hindi pa rin ako inaantok. Mabuti na lang at walang pasok bukas kaya ayos lang na mapuyat ako. Pero ni minsan hindi ko inisip na darating ang gabing `to na mapupuyat ako sa kakaisip sa dalawang lalaki. I used to having men in my life after I broke up with Amiel. But those men, they just usually come and go in my life. At mas nasanay na ako sa ganoong set-up. Na after momol, walang expections afterwards. Walang commitment. Pero ngayon kasi, may feelings na involved. At hindi ko alam kung para kaninong feelings ang mas nangingibabaw. Haaayyy, ang hirap. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at saka hinayaang kumawala ang mahabang buntong-hiningang kanina ko pa pinipigilan. Natatakpan pa rin ng unan ang mukha ko nang biglang mag ring ang phone ko. Agad ko iyong kinapa na nasa tabi ko lang at tinignan kung sino ang tumatawag. It was an unregistered number. Ayoko sanang sagutin pero naisip kong baka importante ang naturang tawag. “Hello?” Walang sumagot sa kabilang linya pero may naririnig akong parang mga huni ng kuliglig. “Hello. Sino `to?” ulit ko. Nang wala pa ring sumasagot sa kabilang linya ay medyo nainis na `ko. Mukhang may gustong man-trip sa ganitong dis-oras ng gabi. Papatayin ko na sana ang tawag nang biglang may marinig akong boses. Pamilyar ang boses na `yon. “Nandito ako sa harap ng bahay niyo.” “Ha?” wala sa sariling nasambit ko habang mabilis na tumayo ng kama at saka dumungaw sa bintana ko. Medyo madilim sa tapat ng labas ng bahay namin pero nakita kong may nakatayo nga sa harap ng bahay namin. At napangiti ako nang makita ko kung sino ang lalaking `yon na ngayon ay nakangiti rin habang kumakaway sa `kin. Halos mag-isang linya na lang ang mga mata niya. Mabilis na pinindot ko ang end call button at saka lumabas ng kwarto ko. Mabuti at nagawa ko pang magsuot ng tsinelas sa kabila ng pagkataranta ko. Tahimik na ang buong bahay at siguradong kanina pa nakatulog sina daddy. “Ano’ng ginagawa mo dito?” agad na tanong ko kay Ken nang makalapit ako sa kanya. Nakasandal siya sa isang kotse. “At teka nga, paano mo pala nalaman `tong bahay namin?” Ngumiti siya at saka humakbang nang bahagya palapit sa `kin. Ilang dali na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. “I asked Hyori.” “Eh, bakit ka nandito ngayon?” “I’m here because I wanted to see you,” aniyang inipit ang ilang hibla ng buhok ko papunta sa tenga ko. “And I’d love to do something with you tonight.” Ken said in a voice that seems like a whisper to my ears. “As in ngayon na?” Tumango siya. “Do you know what time it is right now, Ken?” “Almost midnight?” balewalang sagot niya. “Exactly. It’s already late.” “But is it really too late?” Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Wala rin sa hulog `tong si Ken, eh. Pero aaminin ko, kinikilig ako ngayon. Just imagine, he came into our house kahit dis-oras na ng gabi just to see me. Isn’t that sweet? Huminga muna ako ng malalim saka hinila siya sa isang kamay. “No, you’re not too late. You’re just on time.” Dahil kung hindi ka dumating, baka nabaliw na `ko kakaisip. Sinenyasan ko siyang huwag maingay habang paakyat kami ng kwarto ko. Good thing na wala kaming aso kaya tahimik kaming nakapasok ng kwarto ko. “Paano ka nga pala nakapasok dito sa subdivision namin?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Mahigpit ang security guards dito sa subdivision namin, eh. “I have my ways,” sagot niyang kinindatan pa `ko bago umupo sa gilid ng kama ko. Sa halip na usisain pa siya kung ano ang ways niya ay nagmamadaling nagbihis na ako. Maong shorts at t-shirt na may print ng mukha ni Adam Levine ang pinili kong isuot. Sneakers naman ang suot ko sa paa. Matapos mag wisik ng pabango at masigurong nasa Coach bag ko ang phone at wallet ko ay niyaya ko na si Ken. Pero ang tinamaan ng lintik, hayun at nanatiling nakaupo sa kama ko habang titig na titig sa `kin. At sa pagkagulat ko ay bigla na lang niyang itinaas dalawa niyang kamay—urging me to throw myself to his arms. Mabilis naman akong lumapit sa kanya at pumaloob sa naghihintay niyang mga bisig. He hugged me so tight and kissed me on the checks. Moments later, Ken’s lips found mine. Nakakandong na `ko sa kanya habang nakapulupot ang dalawang kamay ko sa leeg niya. “Aalis pa ba tayo?” I asked him nang pansamantalang maghiwalay ang mga labi namin to grasp some air. “Yes. But just after one more kiss,” aniya bago muling sinakop ang mga labi ko. Nasa ganoong posisyon kami nang bigla akong may marinig na kumalabog mula sa kabilang bahay. At sigurado akong nagmula sa kwarto ni Dylan ang kalabog na `yon bagama’t nanatiling patay ang ilaw sa silid niya. Sa wakas ay huminto rin si Ken sa paghalik sa `kin although nakikita ko pa rin sa mga mata niya ang matinding pagnanasa. “Let’s go,” aniya at hinawakan na `ko sa isang kamay. Tahimik na lumabas kami ng bahay at nang masiguro kong naka-lock na ang main door namin ay pumunta na kami sa sasakyang dala niya. “Whose car is this?” tanong ko habang kinakabit ang seatbelt. “My mom. Actually, tinakas ko lang `to.” “Seryoso?” natatawang saad ko sa kanya as he revved the engine. “But don’t worry, my mom is in Japan right now so she won’t know,” aniya sabay kindat sa `kin. Ilang saglit pa ay bumibiyahe na kami pa-Antipolo. Yes, Antipolo raw ang destination namin. Bigla naman akong na-excite dahil I’ve never been to Antipolo yet. Naririnig ko lang siya sa balita at sa ibang mga kaklase ko. At dahil past twelve na nga ay wala nang traffic kaya naman mabilis kaming nakarating sa destinasyon namin. “And we’re here,” masayang anunsiyo ni Ken matapos i-park ang sasakyan. Namangha ako dahil sa ganda ng view na nasa harap ko. Nasa mataas na bahagi pala kami ng Antipolo kung saan kitang-kita ang buong Maynila. Nagmistulang mga kulisap ang mga nagtataasang building ng Metro Manila. Ang sarap sa mata! “OMG! What place is this?” excited na tanong ko habang paakyat naman kami sa hagdan na papunta diumano sa isang restaurant. Wala sa sariling nayakap ko ang sarili ko. Ang lamig ng simoy ng hangin. “This place is called Cloud 9,” sagot ni Ken. And I couldn’t help but think that this place live up to its name. Para ka nga naman kasing nasa cloud 9. Pakiramdam ko ay nasa tuktok ako ng mundo. This place is sooo beautiful. So romantic. Napatingin tuloy ako bigla kay Ken. Ang gwapo talaga, naisip ko. Nakahanap naman agad kami ng mapu-pwestuhan at habang umo-order ng San Mig Light at pulutan si Alden ay inilibot ko naman ang tingin ko sa buong paligid. Bukod sa overlooking restaurant ay mayroon rin akong nakitang 360 Degree View Sky Deck. “You wanna go there later?” tanong ni Ken na nakatingin na rin pala sa tinitignan kong Sky Deck. “Ayoko. Parang nakakalula. Baka mahulog ako. Saka hindi kaya mapigtal ang tulay na `yan?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang pataas na hanging bridge na siyang way papunta sa Sky Deck. “Hindi `yan. Saka ba’t ka matatakot, eh, kasama mo naman ako.” Hinawakan pa niya ang isang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Let’s see…” sabi ko na lang. “Ang lamig,” usal ko. Mabilis namang lumipat sa tabi ko si Ken at hinila ako palapit sa katawan niya. Nakadikit ang pisngi ko sa leeg niya habang nakapulupot naman ang mga kamay ko sa katawan kiya. Kahit papaano ay nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Mayamaya lang ay dumating na ang orders namin. Isang bucket ng San Mig at dalawang klase ng pulutan. “Huwag tayong magpakalasing, ha? Magda-drive ka pa mamaya.” “Yes, boss,” pabirong sagot ni Ken bago sinalinan ang mga baso namin. For a while ay tihimik lang kami habang umiinom at nakayakap sa isa’t isa. At masasabi kong kuntento na `ko sa pwesto namin ngayon. The whole thing is really romantic—a nice view, beers and a guy that I really like. What else can I ask for? Ah, I am indeed in cloud nine. Lumipas ang mga sandali at nagsimulang mag kwento si Ken ng tungkol sa kabataan niya. Typical stories you hear from a good looking guy like him. “Simula elementary hanggang high school, lagi akong escort sa klase namin.” “And you don’t like that?” tanong ko sa kanya. “Not that I don’t like it. Pero there just came a time na nagsawa na ako. And I don’t like people to think that I’m just another pretty face in school. I wanted to be recognized because I excel in academics or maybe in other things aside from the looks department.” And it did happen. According to him, he was nominated as vice-president of their class during their fourth year in high school. Kinuntsaba niya ang mga kaibigan niya. And fortunately, he won. He proved to their class that he can also be a leader. “Pero mas gwapo pa rin ako d’on sa naging escort namin n’ong high school kami,” dugtong pa ni Ken. “Hindi ka rin naman conceited, noh?” natatawang piningot ko ang ilong niya. “Nagsasabi lang ng totoo,” sagot niya with his puppy eyes look. Bahagya ring naka-pout ang labi niya na halatang nagpapa-cute. Siyempre hindi ko naman napigilan ang sarili ko na halikan ang mga labing `yon. Just a quick kiss dahil nasa pampublikong lugar nga kami. Marami pa kaming napag-kwentuhan bago nagyayang umuwi si Ken. Malapit na kasing mag-alas-kwatro at palamig na nang palamig ang paligid. Pero sa halip na ihatid ako sa bahay ay sa condo nina Ken kami dumiretso. Hindi na ako nag protesta pa at hinayaan ko na lang na igiya niya papasok sa unit niya. It was a two bedroom unit at may maliit ring space para sa sala at cooking area. “Welcome to my room,” ani Ken habang binubuhay ang aircon. I was shocked to see na organized ang kwarto niya. Ine-expect ko kasi na typical guy si Ken na makalat sa kwarto. “I know what you’re thinking,” napapangiting saad niya habang hinihila ako papunta sa kama niya. Medyo naumungay na ang mga mata niya dahil sa pinaghalong antok at pagod sa pagda-drive. Hinubad ni Ken ang damit at pantalon niya hanggang sa boxers na lang ang suot niya. Hinubad ko na rin ang mga damit ko leaving my undies. Pero sa halip na halikan ako katulad ng inaasahan kong mangyari ay hinila ako ni Ken pahiga sa malambot na kama saka itinakip sa mga katawan namin ang comforter. Nakatalikod ako kay Ken habang nakayakap naman siya sa `kin mula sa likod ko. And then it hit it me. There’ll be no s*x for tonight—just cuddling. And for me, that was okay. Pinagapang ko ang kamay ko papunta sa kamay ni Ken at saka iyon pinagsalikop. This is more than okay for me. Pagkapikit ko ng mga mata ay naramdaman kong mas lalo pang isiniksik ni Ken ang katawan niya sa katawan ko bago nagsalita ng, “Good night my love.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD