Nagre-retouch ako sa upuan ko nang mag-vibrate ang phone ko na nasa ibabaw lang ng arm chair ko. Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Dylan. Will wait for you in my room, ayon sa text niya.
After Dylan’s birthday, parang bumalik ang lahat sa normal sa pagitan naming dalawa. Hindi na siya muling ‘nag-disappear’ at gabi-gabi ay madalas na tumatambay kami sa kwarto. Just cuddling and kissing while watching our favorite movie together. With Dylan around, kahit papaano’y naiibsan ang pagka-miss ko kay Ken.
Speaking of which, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ni text o tawag, wala. And today, I’m not going to expect anymore that he’d call or text me. I came to realize that maybe he’s not really interested in me. Maybe what we had in Batangas was just a short-lived romance. Oh, scratch that. There’s no even romance in that. Tumigil ka sa pag-iilusyon mo, Keira, sabi ng isang bahagi ng isip ko.
For all I know, baka busy na si Ken ngayon sa ibang mga babae niya. Sa gwapo niyang `yon, malabo nga namang mag stick siya sa isang babae lang. Faces like that has surely lots of reserv—
Naputol ang paglalakbay ng utak ko habang naglalakad ako papunta sa gate nang makita ko ang lalaking nakatayo sa labas ng gate—si Ken. Nakangiti siya habang may dalawang heart-shaped balloons na nakatali sa bag niya. Naka-school uniform pa siya at halatang kakagaling lang din ng school.
Parang biglang namintig ang mga paa ko at parang biglang naging mahirap ang humakbang habang pabilis naman nang pabilis ang t***k ng puso ko. Nakasuot pa ng uniform si Ken at aware ako na maraming mga estudyanteng babae ang napapatingin sa kanya—a good looking guy with heart-shaped balloons.
“Hi,” nakangiti pa ring bati niya sa `kin nang sa wakas ay tumapat na `ko sa kanya. Still sinfully handsome with a disarming smile. Why you gotta be so cute, Ken?
“Naligaw ka yata?” sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay. Ayokong ipahalatang masaya ako na finally ay nasa harap ko na ulit siya. Kahit kanina lang ay iniisip ko nang maybe I don’t mean anything to him at all.
“Contrary to that, I am not. Dito talaga ang punta ko. At ikaw ang sadya ko,” aniya bago tinanggal sa pagkakabuhol ang balloons na nasa bag niya at saka inabot sa `kin. “For you.”
Tinanggap ko naman ang balloons at ilang segundo ko rin `yong tinitigan. “Bakit dalawa lang?” This should be three. Kulang ang ‘I Love You’ kung dalawa lang. So, asan ang isa pa?
“Dalawa lang naman talaga `yan kasi tig-isa lang naman tayo ng puso, `di ba? That’s your heart, and the other one is mine of course. Kaya iingatan mo `yan,” metaphorical na sagot ni Ken na nagpataba naman ng puso ko. So this mean na hawak ko na ang puso niya? Oh God, I need air!
“Ang akala ko hindi ka na magpapakita ulit. I didn’t get a text or call from you,” sabi ko. Nanatili pa rin kaming nakatayo sa harap ng gate at may mga estudyante pa ring nagmamasid sa amin.
“Actually, I already have your number. I just didn’t text you dahil naging super busy ako sa school. Ayoko namang mahati ang atensiyon ko dahil finals week na nga. Besides, nagpapa-miss rin ako,” nakangising sagot niya. “So, did you miss me?”
Ngumiti ako at hinawi ko pa ang ilang hibla ng buhok ko na nilipad ng hangin papunta sa likod ng tenga ko. Sasagot na sana ako sa tanong ni Ken nang may humintong pamilyar na kotse sa tapat namin. At ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumaba sa driver’s seat si Dylan na may bitbit na bouquet of red roses.
Kung kanina ay mangilan-ngilan lang ang nakatingin sa amin ni Ken, this time, sa paglapit sa amin ni Dylan ay tuluyan na naming naagaw ang atensiyon ng mga nagdaraang estudyante.
Nakaawang ang bibig na tinanggap ko ang flowers na dala ni Dylan. At nakita ko ang pag-iwas ni Ken ng tingin nang hagkan ako ni Dylan sa pisngi. “Hi! Alam ko kasing coding ka kaya naisip kong sunduin ka na lang,” sabi ni Dylan na para bang wala sa harap ko si Ken.
Tumikhim muna ako bago ako nagsalita. “Ken, this is Dylan, best friend ko. Dy, this is Ken…” Naputol ang pagsasalita ko dahil hindi ko alam kung ano ang idudugtong doon. Wait ano ko ba siya?
“I’m Keira’s friend, pare,” si Kenneth na ang nagtuloy ng pangungusap ko. Nagkamay ang dalawa bagama’t makikita sa kanya-kanyang mukha ang hindi maipaliwanag na animosity. Parang nagsusukatan sila ng tingin.
“Guys, can we go somewhere else? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” sabi ko sa kanilang dalawa. Kung nandito lang si Hyori, siguradong kanina pa `ko inulan ng kantiyaw. Mabuti na lang talaga at nauna na siyang umuwi dahil masama raw ang pakiramdam niya.
Tumikhim muna si Ken bago nagsalita. “Kei, mauna na siguro ako. Naalala ko, may gagawin pa nga pala ako,” sabi ni Ken na sigurado akong alibi lang niya. I’m sure na wala naman talaga siyang gagawin. Baka sadyang ayaw lang niyang makasama si Dylan.
“Are you sure, pre? Sayang magko-coffee pa naman muna kami ni Keira bago umuwi. I thought you could join us,” sabi naman ni Dylan.
“Sige, next time na lang, pre. Ingat na lang kayo pauwi.” Tumingin sa `kin si Ken at saka pilit na ngumiti. Pero alam kong hindi siya okay dahil iba ang ngiti niya ngayon kesa sa mga ngiti niya noong nasa Batangas kami. Ni hindi iyon umabot sa tenga niya. “I’ll see you again soon.”
Mabilis na humalik ako sa pisngi ni Ken bago ako sumakay sa kotse ni Dylan. Kumaway pa `ko sa kanya bago tuluyang pinaandar ni Dylan ang sasakyan. I was looking at him in the mirror at nakita ko ang pagkalaglag ng balikat niya habang palayo kami nang palayo. Aww, bakit kasi kailangang sabay pa silang pumunta ng school? Wala sa sariling himutok ko.
“Did he gave you those balloons?” tanong ni Dylan pagkakuwan. Diretso lang ang tingin niya sa unahan at seryosong-seryoso ang expression sa mukha niya.
“Yeah,” tugon ko.
“Do you think he likes you more than as a friend?” straightforward na tanong ni Dylan. Natigilan ako dahil hindi ko naman alam ang sagot. Kung ibabase ko lang ang sagot sa mga ikinikilos ni Ken, masasabi kong oo ang sagot sa tanong ni Dylan.
Pero mahirap namang mag-assume. Ilang babae na ba ang nasaktan dahil sa pagiging assumera?
Nang saglit na huminto si Dylan sa may stoplight ay naramdaman kong hinawakan niya ang isang kamay ko at marahan iyong pinisil-pisil. “Kasi ako I like you, Keira. I like you…more than as a friend.” I was astounded with Dylan’s revelation. Ni hindi ko nagawang ibuka ang bibig ko para sagutin siya.
Hanggang sa umandar na ulit kami at makarating ng bahay ay tulala pa rin ako. Bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kotse ay nakabig na niya ako’t mabilis na nahagkan sa labi. Twas just a quick kiss but it was enough to make my knees melt. Kaya ko pa bang lumakad? Tanong ko sa sarili ko nang sa wakas ay makababa ako.
Hinatid ako ni Dylan hanggang sa harap ng pinto namin at nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Aimee nang makita si Dylan na nakapulupot ang isang kamay sa bewang ko habang may bitbit naman akong flowers at balloons.
Dylan leaned closer to me and whispered something in my ear. “I like you…”
Naka-pout na tumingin ako sa kanya bago ko siya tinaboy papunta sa kanila. God, this is torture.
Nilagpasan ko ang nakasimangot na si Tahlia at mabilis na nagkulong sa kwarto ko. Kinurot ko ang sarili ko at baka sakaling nananaginip lang ako. Pero nang maramdaman ko ang sakit sa balat ko ay napagtanto kong hindi ako nananaginip. Baka nababaliw lang.