Chapter Eighteen

1781 Words
Nang mga sumunod na araw ay medyo naging busy ako dahil submission na ng mga final requirements since ilang araw na lang din at pormal nang magtatapos ang semester na `to. Fortunately ay nagawa ko namang makapagpasa ng mga projects and stuffs bagama’t aminado akong may katamaran talaga ako pagdating sa acads. Buti na lang bawing-bawi ako sa ganda at extra-curricular activities. If you’d ask me about Tahlia, it seems like she’s already learned her lesson. The past days ay hindi ko na siya nakitang hahara-hara sa daan, which I am totally glad. At si Lucas naman, well, he’s kinda stalking me on f*******:, Twitter and IG. Panay pa rin ang send ng message kahit hindi ko naman siya nire-reply-an. Kalerky much! Aside from Lucas, may iba pang boys na panay-panay ang pagpaparamdam sa `kin. Most of them, mga naka-momol ko lang before. But unfortunately; I’m no longer interested with them. Right now, naka-focus lang sa dalawang lalaki ang atensiyon ko—kay Kenneth at Dylan na hanggang ngayon ay pareho pa ring hindi nagpaparamdam sa akin. Ang weird talaga ng mundo. Kung sino pa `yong mga hindi ko type, sila pa `tong madalas magparamdam. Pero `yong mga hinahanap-hanap ko, ayun, ni anino hindi ko mahagilap. Si Ken hindi ko alam kung ano nang balita sa kanya. Mukhang kailangan ko nang tanggapin na hanggang Batangas nga lang yata ang sweetness naming dalawa at walang ‘extension’ na magaganap dito sa Manila. Naisip ko nga, sana ang flirting pwedeng gawing katulad ng promo ng TM na magte-text ka lang ng “EXTEND” and send to 8888. And presto, extended na ang landian moments niyo. Pero hindi, eh. This is the real life. Hindi maisasalba ni 8888 ang kagustuhan kong makita ulit si Kenneth. Not unless kung ako na mismo ang gagawa ng paraan na makita ulit siya. Bagay na ayoko namang gawin. May sense of pride pa rin naman ako sa sarili ko. Meanwhile, hindi na ulit nagpakita sa `kin ang magaling kong best friend na si Dylan. After that last kiss we shared in my bed, ni anino niya, hindi ko na ulit nakita. Parating madilim ang silid niya sa tuwing uuwi ako ng bahay. Sa totoo lang, nami-miss ko si Dylan. Lalo na ngayon na kailangang-kailangan ko ng bestfriend. Kailangan ko ng mapagsasabihan ng nararamdaman ko. Gusto kong i-share sa kanya na after breaking up with Amiel, it seems like my heart is beating again for another guy. Yeah. Ayoko mang aminin, pero sige aamin na rin ako. I think, I’m starting to like Kenneth na. Because if not, why would I miss him this much? Or baka naman nami-miss ko lang `yong “sexy times” naming dalawa? Haaayyy, ang gulo-gulo talaga ng utak ko. Badtrip to the nth level. After my class ay dumiretso na `ko ng uwi sa bahay. I’m not in the mood na tumambay somewhere just like the other days. Matapos i-park ang kotse ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naghubad ng uniform at pagkatapos ay nagpalit ng pambahay. Bababa sana ulit ako para kumuha ng pwedeng kutkutin habang naghihintay ng dinner nang mapansin ko ang sticky note na nakadikit sa bintana ko. Excited na nilapitan ko ang bintana at binasa ang nakasulat sa sticky note. If you’re free, visit me. -Dylan Napapangiting agad na binuksan ko ang bintana at isinuot doon ang katawan ko bago inabot ang pine tree na nasa harap ko. Expert na nag bounce ako papunta sa bintana ni Dylan. Pero bago ko pa mabuksan ang bintana niya ay may nakita ulit akong sticky note na nakadikit naman doon. I’m at the backyard. J Tanging lamp shade lang ang pinagmumulan ng ilaw sa loob ng kwarto ni Dylan. At dahil ilang beses na akong nakapunta dito sa kanila ay memorize ko na kung saan nakalagay ang mga switch ng ilaw sa bawat parte ng bahay. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay may naririnig akong cozy music na nagmumula sa garden na nasa likod ng bahay nina Dylan. May naamoy rin akong mabango—mabangong pagkain. Bigla tuloy kumulo ang tiyan ko. Nilagpasan ko ang malawak na sala pati na ang kusina hanggang sa marating ko ang dulong pinto na siyang daanan papunta sa backyard na madalas naming tambayan ni Dylan noong mga bata-bata pa kami at kahit ngayong malalaki na kami kapag hindi siya naggagala. Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay sinalubong ako ng napakagandang arrangement ng backyard nina Dylan. Para akong biglang ipinasok sa isang Hollywood film kung saan napaka-romantic ng setting. Napapalibutan ng Christmas lights ang bakuran nina Dylan habang may naka set-up namang pabilog na mesa sa pinakagitna ng garden. Sa ibabaw ng mesa ay may mga pagkain, flowers at candles na usually ay sa mga mamahaling restaurants ko lang nakikita. Hindi naman kalayuan sa mesang `yon ay may isang malaking beanbag na kasya yata ang dalawang tao habang sa tabi naman niyon ay may maliit na mesa kung saan nakapatong ang wine at dalawang wine glass. This place is just so romantic. Mukhang nakikisama pa ang panahon dahil nakita kong maraming bituin sa langit. “So ano, tatayo ka na lang diyan?” narinig kong tanong ni Dylan. He is smiling from ear to ear. Ang gwapo niya rin sa suot niyang shirt at Old Navy summer shorts na regalo ko sa kanya noong nakaraang pasko. Nakataas ang kilay na nilapitan ko siya. Nang halos isang dangkal na lang ang layo ko sa kanya ay ngumiti na ako. “Ano’ng meron?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Nagkunwari siyang nasaktan dahil sa tanong ko. “Ganyan ka naman, eh. Hindi naman ako mahalaga sayo kaya hindi mo maaalala kung anong meron sa araw na `to,” aniya sa malungkot na tinig. Dylan’s not mad but I saw a glint of sadness in his eyes. Saglit na pumikit ako’t inalala kung anong meron sa araw na `to. April 13… April 13… “Oh my God!” malakas na bulalas ko nang sa wakas ay maalala ko na kung anong meron sa araw na `to. “It’s your birthday,” sabi ko na mabilis na niyakap siya. How could I forget his birthday. “I’m so sorry it almost slip from my mind. Happy happy birthday, Dylan.” Mabilis na hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi bago ko siya muling niyakap ng mahigpit. Na para bang sa pamamagitan ng yakap na `yon ay maibsan man lang ang tampo niya dahil ako na naturingang best friend niya ay muntik nang makalimutan ang birthday niya. Naramdaman kong gumanti ng yakap sa `kin si Dylan habang hinihimas niya ang likod ko. “Akala ko nakalimutan mo na talaga. Magtatampo talaga ako.” Awww, he’s like a cute baby. Bahagyang dumistansiya ako sa kanya bagama’t nakapulupot pa rin ang mga kamay niya sa katawan ko. “I’m sorry na, okay? I was just so busy at school. Saka lagi ka rin kasing wala.” “Sus! Kinalimutan mo na talaga ako,” parang batang maktol ni Dylan. Dahilan para magyakap ulit kami na hindi nagtagal ay nauwi na rin sa tawanan. “Tama na ang drama at tikman na natin ang mga niluto mo. Saktong-sakto at hindi pa ako nagdi-dinner,” nakangising sabi ko sa kanya. Mabilis namang ipinaghila ako ni Dylan ng upuan. Pero nang akmang pagsisilbihan niya ako’y mabilis na pinigilan ko siya. Inutusan ko siyang maupo at sa halip ay ako ang nagsilbi sa kanya. “Since it’s your birthday, ako naman ang magsisilbi sa `yo.” Sa friendship kasi namin ni Dylan ay mas lamang na siya ang nagsisilbi sa aming dalawa. Madalas man siyang bigla na lang na nawawala, kapag naman ganitong magkasama kami ay lagi siyang bumabawi sa akin. He would always treat me like a princess. Kaya maano bang siya naman ang ituring ko na parang prinsipe lalo na’t birthday niya today? Nang malagyan ko ng pagkain ang plato niya ay naupo na rin ako at naglagay na rin ng pagkain sa plate ko. Ilang saglit pa ay pinagsasaluhan na namin ang mga pagkaing niluto niya na pawing masasarap. Hindi lang gwapo si Dylan, magaling rin siyang mangusina. Kaya no doubt, pwedeng-pwede siyang manirahan kahit saan dahil halos lahat ng gawaing bahay ay kaya niyang gawin. Bata pa lang daw kasi siya ay tinuruan na siyang maging independent kahit noong nasa Amerika pa sila. Samantalang ako, ni paglilinis lang ng kwarto ay inaasa ko pa kay manang Fe hanggang ngayon. “The foods were great. I really think that you should have your own restaurant,” sabi ko kay Dylan matapos naming kumain. “Thanks, sweetheart,” malambing na sagot ni Dylan. There are moments in our life na bigla na lang niya akong tinatawag na sweetheart. When I was younger, my heart would usually flutter. Pero ngayon, nasanay na rin ako sa endearment niyang `yon at iniisip ko na lang na it’s just his way of being sweet. Niyaya niya ako papunta sa beanbag at ilang sandali pa ay magkatabi na kaming nakahiga habang may hawak-hawak kaming kopita sa tig-isa naming kamay. At habang nakatitig kami sa langit ay tinanong ko siya. “San pala si tita?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang mommy niya. “She’s in Singapore right now. Vacation trip nila ng mga kumare niya.” May lungkot sa boses ni Dylan. Sabagay, sino ba naman ang hindi malulungkot kung ni isa sa parents mo ay wala sa mismong araw ng birthday mo? Nilagok ko muna ang laman ng wine glass ko bago ako humarap kay Dylan na nakatingin pa rin sa langit. “I’m sorry nga pala at wala akong regalo sa ngayon. But don’t worry, bukas na bukas ay bibili ako ng gift,” nakangiting saad ko. Tumingin na rin sa `kin si Dylan at kagaya ko ay ininom na rin niya ang laman ng kopita niya bago nagsalita. “Kahit hindi na,” sagot niya at saka kinuha ang wine glass na nasa kamay ko at ipinatong sa lamesa. “Sapat na sa akin `to,” aniyang kinuha ang isang kamay ko bago iyon pinagsalikop sa kamay niya. “At saka ito.” Mabilis na inagkin ni Dylan ang mga labi ko. At sa ilalim ng napakagandang langit na nalalatagan ng milyon-milyong bituin, sabay naming sinimsim ang labi ng isa’t isa. Just like the good old days. Happy birthday, Dylan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD