Chapter Seventeen

1365 Words
The next day ay bahagya lang nabawasan ang lungkot na nararamdaman ko. I chose to wear one the dresses I’ve bought yesterday. It is a floral dress I got from Kashieca. Nang makuntento ako sa hitsura ko ay bumaba na `ko bitbit ang favorite Marc Jacobs bag ko. Nadaanan ko pa si dad na nagbe-breakfast sa kusina bagama’t naka-office attire na rin siya. Mommy lang ni Aimee ang kasalo niya na ngumiti sa akin—customarily since my dad is just around. “Hija, hindi ka man lang ba magbe-breakfast?” tanong ni dad na napatingin pa sa wristwatch niya. “Nah! Sa school na lang ako magbe-breafast dad. I don’t wanna be late for my first subject,” sagot ko bago humalik sa pisngi niya. Patalikod na `ko nang tila may maalalang itanong si daddy. “Keira?” “Yes, dad?” kunot-noong tanong ko. “Why are you not wearing your uniform?” “Hmm, allowed na po kaming mag civilian since malapit na po ang end of class. Besides, Monday pa lang po ngayon at kaka-resume lang ng class after a super long Holiday so I’m sure they wouldn’t mind if I go to school… wearing this beautiful dress.” Tumango-tango naman si daddy. “Okay then. Ingat sa pagda-drive and umuwi ka kaagad after ng last class mo,” bilin niya pa. “Sure I will, dad. Byeee!” at naglakad na ko palabas ng bahay. Gladly ay nakabalik na from his vacation si mang Andoy—our hardinero—kaya hindi ko na kailangang buksan at isara ang gate. An hour later ay nagpapa-park na `ko sa harap ng building kung saan naroon ang first class ko. Hindi ako sinita ng guard dahil as expected ay marami ring estudyante na hindi naka-uniform dahil kakagaling nga lang ng mahaba-habang bakasyon. Papasok na `ko ng building nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay nakita kong kumakaway sa `kin si Lucas who I totally forgot for the last week. Huminto ako sa paglalakad to give him the chance na makalapit man lang sa `kin. “Hey,” bati niya sa `kin na nakapasok pa ang dalawang kamay sa bulsa ng maong pants na suot niya. “Nice to see you again. And by the way, nice dress.” “Oh, thank you,” nakangiting sagot ko sa kanya. “And it’s nice to see you again too.” Mula sa likod ni Lucas ay nakita ko si Tahlia na nakatingin sa aming dalawa. And by the looks of it, it seems like she doesn’t like what she’s seeing right now. At para lalo pasiyang inisin ay mabilis na hinagkan ko si Lucas sa pisngi. “I have to go for now Lucas at male-late na ako sa first class ko. But I’ll see you aound, okay? Bye, Lucas!” kumaway pa ako sa kanya bago ako tumalikod at pinag-igi ang pagkendeng ng balakang ko na hakab na hakab sa dress na suot ko. Ewan ko na lang kung hindi lalong ma-praning si Tahlia kapag nakita niyang pinagnanasaan ako ng boyfriend niya. Pumasok na `ko sa classroom only to be disappointed dahil wala si Hyori sa chair niya. I have to endure this boring subject for the next three hours. Mabilis na tumayo ako nang marinig ko ang buzzer kahit hindi pa nagdi-dismiss ang prof namin. Dumiretso ako sa cafeteria para mag ‘brunch.’ At dahil wala nga si Hyori, it means mag-isa rin akong kakain ngayon. How great is that? Ayoko namang makisama sa grupo ng iba ko pang mga classmates dahil hindi naman ako close sa kanila. Pinili ko ang mesang nasa isang sulok dahil balak ko ring tawagan si Hyori to ask her kung bakit hindi siya pumasok today. But I would do that later. For now, I’m going to eat. Sandwich, baked mac and iced tea is in front me so I started eating. Napapangalahati ko pa lang ang baked mac at sandwich ko ay may narinig akong nagsalita mula sa likod ko. “Well, well, well. Nandito lang pala ang malanding babaeng hinahanap ko.” It’s Tahlia. The estranged girl best friend. Nagkunwari akong walang narinig at pinagpatuloy ang pagkain ko. Kinuha ko rin ang phone ko na nasa ibabaw at nagkunwaring busy sa pagpindot sa kung ano. “Ganoon ka ba talaga ka-desperado na makaganti sa akin ha, Keira? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin maka move-on dahil once in your life, pinagpalit ka ng boyfriend mo sa `kin?” Marahang binitiwan ko ang tinidor na hawak ko at saka nakangiting lumingon sa kanya. “Pinagpalit o sadyang inakit mo?” nanunuyang tanong ko sa kanya. Bahagya siyang humakbang palapit sa `kin saka nakakalokong ngumiti. “Pinagpalit ka niya dahil naakit siya sa `kin. You know why? Coz you’re so boring.” “Oh really?” “Yes!” “And how about you, did Amiel find you interesting?” tanong ko na pinagsalikop pa ang mga kamay ko habang hawak ko sa isang kamay ko ang phone ko. Tuluyan na rin akong nakaharap sa kanya. “Of course, my dear ex best friend. Halos mabaliw nga siya sa akin kapag bino-blowjob ko siya at pati eggs niya kinakain ko. You see, I’m far better than you, Keira. And wait, did he told you that we had s*x in your room nang mag-overnight ako sa inyo tapos bigla na lang dumating si Amiel na siyempre pa ako ang nag-text and you have to go to your friend’s house whose name is Dylan dahil kakarating lang niya from an out-of-town trip? Remember that?” Of course, I remember that day. Mag o-overnight sa bahay namin si Tahlia nang bigla namang dumating si Dylan who just came from Cebu. And I remember na bigla na lang din dumating si Amiel kahit hindi ko naman siya tine-text. I told him to just go upstairs at naroon naman si Tahlia. Hindi ko alam na may milagro na pala silang ginagawa sa kwarto ko pa mismo. Tumayo na rin ako habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. “In fairness, I didn’t know that part where you and Amiel had s*x in my room. But at least, alam ko na ngayon. Well you know what, Tahlia? Hindi naman na ako nagtataka kung nagawa mong sulutin si Amiel sa akin noon. Dati pa naman talaga mahilig ka na sa mga tira-tira ko, `di ba? Ilang bags, shoes at mga damit ko nga ang napunta sa `yo? Oh, nakalimutan ko na. Ang dami na kasi. Ang akala ko pa naman sa hand-me-down things ka lang mahilig. But oh, mahilig ka rin pala sa mga lalaking pinagsawaan ko na.” Pinindot ko ang stop button ng voice recorder ko at ipinakita iyon kay Tahlia na biglang namula ang mukha pagkakita sa screen ng phone ko. I’ve just recorded our entire conversation. “Ano kaya ang magiging reaction ng parents mo kapag narinig nila `to, Tahlia? I’m sure, they’ll be proud of you. Why not? They’ve raised a child who became a slut that brags that she’s good at blowjob. Very commendable.” Kinuha ko ang bag ko at iniligay sa braso ko. Halatang shocked pa rin si Tahlia dahil ngayon ay may pinanghahawakan na `ko laban sa kanya. “And oh, by the way,” sabi ko nang may maalala ako bago ko kinuha ang iced tea na nasa mesa at saka ininom ang lahat ng laman ng baso. Humarap ako sa kanya at saka binuga lahat ng iced tea sa mukha niya. “That’s for having s*x with Amiel in my room,” sarcastic na saad ko sa kanya bago ako nag walk out sa lugar na `yon. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan kami ng ibang mga estudyante. I walked out of the cafeteria like nothing happened. What a good way to start my day, napapangiting naisip ko habang papunta ako sa next class ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD