“Dylan,” tawag ko sa pangalan niya habang patuloy pa rin ang pag-angkin niya sa labi ko. His name on my lips sounded enchanted.
And I groaned on protest when Dylan decided to stop kissing me. Nang magmulat ako ng mga mata ay nakita kong nakatitig siya sa `kin—particularly on my wet lips that’s aching for more.
“I should go now, Keira. You look tired. You need to get some rest,” ani Dylan at saka tumayo sa kama ko. Pero kung pagbabasehan ang body language niya, I could say na ayaw pa niyang umalis and that maybe, just maybe, he want to prolong that kiss we’ve shared just a while ago. “I’ll see you around.”
Hindi rin nagtagal at muli siyang bumalik sa kwarto niya gamit ang mga binata naming dalawa. Wala sa sariling pabagsak na humiga ako sa malambot na kama habang hawak-hawak ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang nagulo ang damdamin ko. It’s like an old feeling has resurfaced na matagal ko nang itinago sa kasuluk-sulukan ng puso ko.
Okay, I’m gonna confess to all of you guys. When I was sixteen, I used to have a crush on Dylan. Sino ba naman ang hindi magkaka-crush sa kanya? Dylan is just… gorgeous. He is also tall and has the right muscles at the right places.
At ang mukha niya, God, it’s like Robbie Amell’s face. If you don’t know the guy, you should check him out on Google. Magkamukhang-magkamukha talaga sina Dylan at Robbie except that Dylan’s eyes were like of puppies’. And his body is like the flourishing economy—progressing. The last time na nakita ko siya, his body is already perfect. But now, it’s just wow! It is now solidly built. Parang nagbabad siya sa gyms sa Biliran at sa paghanga ng mga kababaihan.
God, why am I even thinking about this old feeling? Matagal ko nang ibinaon sa limot ang nararamdaman ko for Dylan. When I realized that he’s a man-w***e, I decided that he was better of as friend—and a “momol buddy.”
Shit.
I shouldn’t be feeling this way. But maybe feelings are like cockroaches, they are timeless. Na kahit ma-extinct man ang mga tao at mapalitan ng ibang life forms na titira sa mundo, ang feelings, maiiwan na parang ipis.
Kumuha ako ng isang unan at tinapik sa mukha ko as if kaya niyong i-shutdown ang utak ko para hindi na `ko mag-isip tungkol kay Dylan. Or maybe Ken. I’m a free spirited lady that doesn’t need a guy in my life. Well, yeah, I need guys in my life but not in a romantic way. Yeah, not that way.
Fortunately ay nanaig na ang antok at mayamaya pa ay pakiramdam ko ay dinuduyan na `ko ng mga alon ng dagat…
Dala ng pagod at antok ay kinabukasan na ako nagising. Medyo madilim pa sa labas nang magmulat ako ng mga mata dahil almost five-thirty pa lang ng umaga. Matapos mag-inat at maglinis ng katawan ay bumaba na ako ng kusina since I’m really starving dahil hindi nga ako nakakain ng hapunan kagabi.
Nalukot ang mga mata ko nang maabutan ko si Aimee sa kusina na parang may sinisilip mula sa may binata. Naiiling na kumuha ako ng plato, kutsara at tinidor saka naupo sa mesang may nakahanda ng pagkain. Fried rice, bacon and egg ang inihanda ni manang Fe.
Mayamaya pa ay napansin rin ni Aimee ang presensiya ko. “Oh, hi there!” plastik na ngumiti siya sa `kin bago muling tumanaw sa labas ng bintana. I didn’t bother to answer her. Bahay nina Dylan ang tinitignan niya. And I wonder why. Malamang nakita na niya si Dylan at gustong magpa-cute ng bruha.
“Kilala mo `yong guy sa kabilang bahay? `Yong super gwapo na matangkad?”
Uh-huh. That’s Dylan, I’m sure.
Tumingin ako kay Aimee at magkasalikop ang dalawang kamay na umiling sa kanya matapos ko siyang tignan mula ulo hanggang paa. “Hindi ka mata-type-an n’on kaya huwag ka nang umasa,” natatawang saad ko sa kanya.
Mabilis na tumaas ang isang kilay niya bago nameywang. “Are you saying that I’m ugly?!”
“Ooops, I didn’t say that,” nakangiting sagot ko sa kanya bago tumayo ng mesa. Luckily tapos na `kong kumain.
“You’ll see Keira, matitikman ko `rin `yong lalaking `yon!” malakas na sigaw niya na para bang isang klase ng putahe si Dylan.
“Good luck,” sabi ko na lang bago muling umakyat sa kwarto ko. Wala akong balak makipag-bayangan kay Aimee because she’s not so worthy of my time.
Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa bedside table at chineck kung may messages ako. I got a text from Hyori and some boys I’m not interested anymore. Nang buksan ko ang gallery ko ay automatic na nag form ng smile ang mga labi ko nang makita ko ang mga pictures namin nina Ken sa Batangas.
Well, sa totoo lang ay karamihan sa photos na nasa gallery ko ay pictures naming dalawa ni Ken. Napabuntong-hininga ako nang maisip kong ni hindi man lang siya nagtext. Not that he did get my phone number dahil hindi naman kami nagpalitan ng number. But if he’s really interested in me katulad ng mga ipinakita niya sa akin noong nasa Batangas kami, pwede niya namang makuha ang number ko through Hyori or his cousin maybe.
Pero ano bang pinagpuputok ng butsi ko? Halos isang araw pa lang kaming nakakabalik ng Maynila. For all I know, he might be busy right now or maybe, still sleeping. Nang maisip ang salitang sleep ay muli akong nakaramdam ng antok kaya pinagbigyan ko ang sarili kong muling mahiga sa malambot na kama. Plus medyo nananakit pa ang buong katawan ko. I reminded myself to go to a spa later to treat myself from an exhausting but well spent Holy week getaway.
Nang magising ulit ako bandang alas-dos ng hapon ay agad na chineck ko ang phone ko only to be disappointed dahil wala pa ring text from an unknown number that I’m hoping to be Kenny boy. At nang tignan ko naman ang bintana ni Dylan ay walang palatandaan na naroon ang binata sa kwarto niya. It’s like he’s gone again.
At ganito pala ang feeling ng taong galing sa isang masaya at unforgettable na travel experience, hindi maiwasang makaramdam ng feeling of loneliness.
Because honestly, that’s what I’m feeling right now. It’s almost three in the afternoon at kulay orange pa ang kalangitan sa labas. Nakikisabay sa loneliness na nararamdaman ko ngayon. Oh God, I miss Ken. Hindi pala ganoon kadaling ibalik ang lahat sa normal. Because whether I like it or not, I’m going to miss him and everything we’ve done in Batangas.
Kating-kati na ang mga kamay ko na itext si Hyori to ask for Ken’s number. Pero nagpigil ako. It’s not my nature to ask for a guy’s number. So instead of doing such foolish act, I decided to go out and pamper myself.
Nagpa-massage ako after kong magpa-salon. Nag shopping rin ako ng mga bagong damit dahil gusto kong magandang-maganda ako bukas pagpasok ko ng school. Nang magawa ko na ang mga gusto kong gawin ay umuwi na rin ako. Pero bakit ganoon? Ni hindi man lang nabawasan ni katiting ng paper bags na dala ko ang lungkot na nararamdaman ko?
Haaayyy, kung nandito lang si Dylan, may mapagsasabihan sana ako ng nararamdaman ko ngayon. Pero wala siya sa bahay nila. Madilim ang kwarto niya tanda na wala pa rin siya. Siguro’y naglalaboy na naman siya sa kalsada at hinahanap ang sarili niya.
At naisip ko, nasaan nga ba ako ngayon? Ang katawan ko nandito sa bahay namin pero bakit parang wala dito ang utak at isip ko? Parang nasa malayong-malayong lugar… weird.
And that night, I slept with a heavy heart. Hindi ko alam kung nga ba ang mas nami-miss ko. Is it Ken or Dylan?
Urgh! f**k this heart!