I’ve never expected that parting ways could be this hard. Kanina pa kami goodbye nang goodbye sa isa’t isa pero hindi pa rin magawang bumaba ni Ken sa kotse ko na nakahimpil sa tabi ng kalsada two blocks away from the condominium where he lives.
“I’ll miss you,” bulong ni Ken na gahibla na lang ang layo ng mukha sa mukha ko. Parang kiniliti ng feathers ang mga tenga ko dahil sa sinabi niya. And then, we were kissing. It was good—really good. Sweet than sweeter. Somewhere inside my tummy is beehive and the bees were revolting. Ganito ang feeling ng mga labi ni Ken sa `kin.
“I gotta go, Keira. Take care of yourself,” mayamaya ay sabi ni Ken nang muling maghiwalay ang mga labi namin para sumagap ng hangin. Pang-ilang beses niya na ring sinabi `yon.
But unlike kanina, nagawa nang buksan ni Ken ang pinto ng kotse ko at bitbit ang niya ay naglakad na siya palayo. Diretso lang ang tingin niya at ni hindi na muling lumingon pa. Pinaandar ko na ang kotse ko at ilang saglit pa ay nasa harap na `ko ng bahay namin.
Bumusina ako ako at ilang saglit pa ay binubuksan na ni manang Fe ang gate. Nang mai-park ko ang sasakyan ay agad na pinuntahan ko si manang Fe para mag mano. “You’re back, manang!” masayang niyakap ko siya matapas mag mano sa kanya.
“Actually kahapon lang ako nakabalik dahil tinawagan ako ng daddy mo. Teka, saan ka nanggaling at ilang araw ka raw wala dito sa bahay?” usisa niya.
“Sa Batangas po,” sagot ko habang kinukuha ko ang luggage ko sa trunk ng kotse. “Si Daddy at ang mga bruha, nasaan manang?”
“Ssshhh! Marinig ka, Keira,” pananaway niya sa `kin na binalewala ko lang. “Nakaalis na ang daddy mo at may kakatagpuin yatang business partner. `Yong mag nanay naman nasa taas pa pero paalis rin yata at naabutan kong parehong nagbibihis.”
“Good to know. I can sleep peacefully today,” I said na bahagya pang naghikab. I didn’t get much sleep kasi dahil as expected, sinulit namin ang huling gabi namin ni Kenneth sa Batangas.
Pag-akyat ko ng hadgan ay sakto namang pababa ang mag nanay. Posturang-postura at mukhang may lakad nga. Nakita kong napaismid si Aimee habang plastik na ngumiti naman sa akin ang nanay niya. I bet Aimee is really frustrated right now dahil nagbalik na ang tunay na prinsesa ng bahay na `to. Back to pagiging sampid na naman ang peg niya.
I didn’t bother to greet them since I don’t feel like I wanted to greet them. Para saan pa ba ang pagkukunwari? I’ve locked my room and hurriedly went to bed. Mag a-alas onse na ng umaga at talagang inaantok na `ko. Kailangan kong mag beauty rest dahil may pasok na ulit bukas.
Pero ilang minuto pa lang na nakapikit ang mga mata ko ay may narinig akong mga katok. Nang sulyapan ko ang pinto ay nabatid kong hindi doon nagmumula ang tunog. At iba ang tunog ng katok sa pinto.
Mabilis na napasulyap ako sa bintana ko—and them baaam! Nakita ko si Dylan sa labas ng bintana ko. And please take note, nasa ikalawang palapag ng bahay ang kwarto ko. Mabilis na tumayo ako and opened the window. Hindi ko maiwasang mapangiti nang sulyapan ko ang pine tree na siyang ginamit ni Dylan para tumawid sa kwarto ko mula sa kwarto niya. We’ve been using that tree to sneak into each other’s room back when we were still younger.
And oh by the way, let me introduce to you guys, Dylan Blake. If Tahlia was my girl bestfriend, Dylan is my guy bestfriend. And here’s our story…
I was eleven years old when Dylan together with his mom moved to our place. He was thirteen years old back then and he was already good looking that time. American kasi ang daddy niya na hiniwalayan ng mommy niya that’s why they decided to come back here in the Philippines. Pure pinay ang mommy ni Dylan kaya naman sobrang ganda ng combination ng genes na napunta kay Dylan.
He’s tall, painfully handsome, gifted with so many talents and he’s also very horny. Back when I was sixteen, I used to call him man-w***e. Paano’y iba’t ibang babae ang dinadala niya sa bahay nila. At nakikita ko pa mismo ang ginagawa niya at ng mga babaeng dinadala niya dahil nga magkatapat ang mga kwarto namin.
When we were growing up, wala kaming choice kundi maging malapit sa isa’t isa. Paano’y naging magkaibigan ang mga mommy namin at sa tuwing may family gatherings kami ay hindi pwedeng hindi imbitahan sina Dylan. That’s why we sort of became close lalo na’t palagi kaming nagkikita sa mga binata namin. At ang pine tree na nakatanim sa gitna mismo ng mga bahay namin ay naging tulay namin papunta sa kanya-kanyang kwarto as we became closer.
And one night, habang natutulog ako. Bigla na lang pumunta sa kwarto ko si Dylan. It was past one in the morning. Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pagbukas ng bintana ko. Umupo ako sa kama at hinintay na makalapit sa `kin si Dylan.
At kahit lampshade lang ang tumatanglaw sa buong kwarto ko ay agad na napansin kong naka-boxer shorts lang siya at walang suot na pang-itaas. Agad na kumabog ang dibdib ko. It was the first time na pumunta si Dylan sa kwarto ko nang ganoon ang ayos. Gulo-gulo rin ang buhok niya at nang tuluyan siyang makalapit sa `kin ay nalanghap ko ang alak sa hininga niya.
Hindi ako kumilos nang umupo sa gilid ng kama ko si Dylan at kahit na nang tumaas ang kamay niya papunta sa mukha ko. Basta ang alam ko lang that time, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. It was pounding like crazy. And when Dylan decided to give me my first kiss, everything just seemed to vanish.
Wala naman palang lasa ang unang halik. Pero nakaka-excite na nakakakaba lalo na at baka may biglang magising sa mga parents ko at mahuli kami ni Dylan sa ginagawa namin.
But anyway, the kiss didn’t progressed. Huminto rin si Dylan nang mapagtanto namin parehong nahubad na niya ang pang-itaas na damit ko. “I’m sorry… I’m so sorry, Keira,” aniya bago muling bumalik sa kwarto niya. Naiwan akong tulala, nakahawak sa labi ko at ninanamnam ang after taste ng first kiss ko. It was awesome.
After that incident ay isang linggo ring hindi nagpakita ulit sa akin si Dylan. Alam ko rin na naging madalang na ang pagdadala niya ng mga babae sa bahay nila dahil lagi ko siyang inaabangan sa bintana.
One night, nang hindi na ako makatiis at masigurong nasa kwarto lang niya si Dylan dahil nakabukas naman ang ilaw ng kwarto niya, I decided to sneak into his room. Gamit ang pine tree siyempre.
Kinatok ko ang bintana niya at saglit lang ay binubuksan na iyon ni Dylan na nagtatakang nakatingin sa akin bagama’t inaalalayan akong makapasok. Nang nakatapak na ang mga paa ko sa sahig ay mabilis na kinabig ko ang batok niya ang kissed him on the lips. I’ve been dreading for this to happen again.
Sa umpisa lang nagulat si Dylan dahil mayamaya lang ay gumanti na rin siya ng halik habang umaakyat ang kamay ko papunta sa batok niya. Naramdaman kong pumasok ang mga kamay ni Dylan sa damit ko and started to touch my boobs. Bago sa akin ang sensasyong iyon but I did liked it.
“We have to stop now, Keira…” narinig kong anas ni Dylan sa puno ng tainga ko habang pinapasok ko naman ang kamay ko sa loob ng damit niya at saka hinaplos ang dibdib niya.
“Why should we stop?”
Bagama’t halatang labag sa loob niya ay kinuha niya ang dalawang kamay ko ang pinned it on the wall. “Because we’re friends. At ayoko ring sirain ang tiwala ng mga magulang mo,” he said.
Nanatili akong tahimik. I don’t want to answer him dahil baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Kaya tinitigan ko na lang ang mga labi niya. Those lips were to die for. At ngayon ko lang naisip na maswerte ang mga babaeng dinadala ni Dylan noon pa man dito sa kwarto niya. Napansin marahil ni Dylan ang pagtitig ko sa mga labi niya kaya tila nagbago rin ang isip niya. “Damn! Just one last kiss,” aniya bago muling inangkin ang mga labi ko.
Pero hindi iyon ang naging huling kiss naming dalawa. Gabi-gabi ay pupunta si Dylan sa kwarto ko and we would always make-out without our parents knowing it, of course. It sort of became our little secret.
Pero hanggang making-out lang ang ginagawa namin. Walang actual penetration. Just kissing, necking and petting. At okay naman na para sa akin `yon.
The night before my eighteenth birthday, after naming mag make-out ni Dylan sa kwarto niya. He gave me this title: Momol Queen. And the word “momol” means “make-out make-out” lang—exactly what we are doing for the last two years of our lives. Naging bihira lang making-out session namin ni Dylan nang magkaroon na ako ng boyfriend.
And that was our history…
“Oh my God! You’re back!” natutuwang saad ko bago yumakap sa kanya nang sobrang higpit. “Where have you been? Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sa `kin? Ang tagal mong nawala!” sunod-sunod na sabi ko sa kanya.
“Hey, hinay-hinay lang. Mahina ang kalaban,” nakangiting sagot niya bago ako hinila papunta sa kama ko. Parang biglang lumipad palabas ng bintana ang antok ko dahil sa biglang pagdating ni Dylan.
“Before I answer your questions, saan ka muna nanggaling? Three days na `ko sa bahay at ngayon lang kita nakita.”
“Nagbakasyon ako sa Batangas with some friends,” sagot ko na bigla namang naalala si Ken.
“Friends lang? Walang lover?” nanunudyong tanong niya.
Hinampas ko siya sa isang braso. “Friends nga lang,” pagkakaila ko. Pero nagulat ako nang himasin ni Dylan ang leeg ko.
“Eh, ano `yang mga chikinini sa leeg mo?”
Mabilis na napatayo ako at tumingin sa salamin. Sh*t, meron nga! Natatawang humarap ulit ako sa kanya at saka nameywang. “Okay fine, there’s a lover. Ano masaya ka na?”
“Bagong ka momol?”
“Sort of,” paiwas na sagot ko. Hindi pa ako handang ikwento sa kanya ang tungkol kay Kenneth lalo na at medyo may hangover pa `ko mula sa Batangas trip namin. “So ano na nga? Saan ka galing at mahigit kalahating taon ka ring nawala? Ni hindi ka man lang tumawag, nag text o kahit PM man lang sa Facebook.”
Hobby ni Dylan ang bigla na lang mawala—literally. He loves adventure kaya madalas na kung saan-saang lugar siya nagpupunta. At ito ngang latest na pagkawala niya ang pinakamatagal. Usually kasi ay one month lang naman siyang nawawala. But this time, he was gone for almost half year.
“I was in Biliran for the past six months,” mayamaya ay sagot ni Dylan sa tanong ko. I don’t have the slightest idea kung saang parte ng bansa matatagpuan ang Biliran na sinasabi niya.
“Ano naman ang ginawa mo d’on?”
Nagkibit balikat siya bago patihayang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. “As usual, hinanap ko ang sarili ko.”
Lingid sa kaalaman ng karamihan, labis na naapektuhan si Dylan sa paghihiwalay ng momy at daddy niya. Mahigit six years nang divorce ang parents niya pero hanggang ngayon ay apektado pa rin siya ng pangyayaring `yon. At sa akin niya lang nagawang aminin ang bagay na `yon at iba pang mga bagay na hindi niya magawang i-share sa ibang tao.
Muli akong sumampa ng kama at tinitigan siya sa mga mata. “Nahanap mo ba naman ang sarili mo?” tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.
Sa halip na sagutin ang tanong ko ay bahagya niyang inangat ang ulo niya at mabilis na sinakop ang mga labi ko.