SAM Malapit nang mag alas-dose pero wala pa rin si Ken. Kanina pa ako nakasalampak sa tabi ng pinto ng condo unit niya at ilang saglit na lang ay babagsak na ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Kaninang ten pa `ko nandito na at naghihintay sa kanya. Kapag twelve-thirty at wala pa rin siya ay uuwi na lang ako. O baka dumiretso na lang ako ng airport. Nasaan ka na ba, Kenneth? piping usal ko sa sarili habang tinatapik-tapik ko ang bag na nasa tabi ko. Pero twelve-thirty na ay wala pa rin siya. Last five minutes, huling tawad ko pa sa sarili ko. Pero nang mag a-ala una na ay tumayo na ako mula sa pagkakasalampak sa malamig na sahig at bitbit ang bag ko ay tinungo ko ang elevator. Hinintay kong umakyat iyon sa floor kung saan naroon ang condo unit ni Kenneth. Pero ganoon na lang ang pa

